NABUBULABOG nang dumaraang mga tren at sasakyan ang natural na pagdaloy ng chi.
Ito ay maaaring makatulong sa punto ng pakiramdam na ikaw ay may koneksyon sa lipunan, ngunit ang maaaring maging higit na panganib ay ikaw ay mahihirapang mag-relax at hindi magiging payapa kung ang inyong bahay ay malapit sa umiikot na chi na ito.
Kung gaano ka-busy ang kalsada o railways sa lugar, ganoon din katindi ang impluwensya nito sa inyong bahay (walang gaanong epekto ang tahimik na kalsada o riles).
Ang isa pang dapat na ikonsidera ay kung ang railways ay gumamit o hindi ng elektrisidad. Kung gumagamit ito ng koryente, ang elektrisidad ay magdudulot ng electromagnetic field, na maaaring magkompromiso sa inyong kalusugan.
At ang mga behikulo ay nagdudulot ng nakalalasong usok, kaya naman mahihirapan kayong imantine ang inyong magandang kalusugan.
ni Lady Choi