Sunday , December 22 2024

P5-M shabu kompiskado sa bigtime lady drug pusher

NAGA CITY – Aabot sa P5 milyon halaga ng shabu ang nakompiska sa isang babaeng bigtime pusher sa Daet, Camarines Norte kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Cherrelyn Estacio, 23, residente ng Kalimbas St., Sta. Cruz, Metro Manila.

Napag-alaman, magkatuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Camarines Norte at Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO) sa isinagawang drug buy-bust operation na naging daan para mahuli suspek.

Napag-alaman, sa isang hotel naganap ang transaksyon ng suspek ngunit walang kaalam-alam na mayroon na palang informant na dumulog sa pulisya.

Nakakulong na ngayon sa Camarines Norte Provincial Jail ang suspek na sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *