Friday , November 15 2024

Hakot sa street dwellers dahil sa APEC inamin ng Palasyo

INAMIN ng Palasyo na may kinalaman sa paghahanda sa pagdaraos ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa bansa ang paghahakot ng pamahalaan sa mga pulubi at batang lansangan.

Ito ang pahayag kahapon ni APEC National Organizing Council Director General Ambassador Marciano Paynor sa press briefing sa Malacañang kahapon.

Taliwas ito sa naunang sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Soliman na ang isinasagawang clearing-out operation ng DSWD ay walang kaugnayan sa APEC Summit at bahagi lamang nang ipinatutupad na “reach-out” program” kaugnay ng  Modified Conditional Cash Transfer Program for Homeless Street Families (MCCT-HSF).

Giit ni Paynor, bahagi ng preparasyong panseguridad ang pagwawalis ng ‘street dwellers’ dahil maaaring samantalahin ng mga nais manggulo sa APEC Summit ang presensiya ng mga taong lansangan.

“Ang ano natin diyan is kung saan dadaan ‘yung mga leaders e kailangan clear, wala dapat nanduduon na hindi dapat nanduduon, kaya nga maski tagaroon ka you are asked to go inside kasi nga hindi natin pwedeng subaybayan lahat ng mga taong nanduduon e, so yung mga areas… they can request to, one its a security issue, it can be taken advantage of by those who really want to inflict harm,” ani Paynor.

Sinabi ni Paynor na ipatutupad din sa APEC delegates ang “No Wangwang Policy” ng administrasyong Aquino.

P10-B sa APEC hosting idinepensa ng NOC

IPINALIWANAG ng APEC-National Organizing Council (APEC-NOC) ang kahalagahan ng paglalaan ng P10 bilyon para sa pangangasiwa ng APEC Leaders’ Summit ngayong taon sa Filipinas.

Ang nasabing pondo ay inilaan sa serye ng meeting at preparasyon sa buong taon.

Sinabi ni Ambassador Marciano Paynor, director-general ng NOC, hindi dapat tinitingnan ito bilang gastusin kundi isang long-term investment.

Ayon kay Paynor, resulta ito nang pagiging miyembro ng multi-lateral forums kaya kung hindi gagastos nang ganitong investment, mabuting huwag na lang sumali sa APEC, sa UN o sa ASEAN.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *