Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wish ni Kim kay Gerald: makahanap ng tamang GF

110615 kim chiu gerald anderson
DAHIL nagkaayos na sina Gerald Anderson at Kim Chiu at naging kaibigan na rin ulit ni Kim si Maja Salvador, kaya naman kung may offer daw kay Kim na proyekto na pagsasamahan nila nina Gerald at Maja ay tatanggapin niya raw ito. Na posible namang mangyari since pare-pareho silang under contract ng Kapamilya Network at Star Cinema.

“Wala namang magiging problema. Okay naman na kami ni Maja, okay din kami ni Gerald. So wala akong nakikitang masama kung magsasama kaming tatlo sa pelikula,” sabi ni Kim sa isang interview sa kanya.

Ayon pa kay Kim, past is past na raw.  Kaibigan na raw niyang muli ang ex boyfriend at naniniwala itong time heals all wounds. Ayaw na raw niyang magtanim ng sama ng loob kanino man.

Nang mahingan si Kim ng reaksiyon tungkol sa sinabi ni Gerald na gusto na raw nitong maging isang mabuting boyfriend sa next girl na makakarelasyon, ang sabi ni Kim, ”Nasa tao naman yun. Kung gusto niya, magagawa niya. Hayaan na natin siya. Basta gusto ko rin mahanap na niya ‘yung tamang girl para sa kanya.”

MA at PA – Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …

Alden Richards

Alden  pang-international na bilang artista at producer

RATED Rni Rommel Gonzales KASAMA ang kanyang buong pamilya ay sa Amerika nagdiwang si Alden Richards ng …

Ruru Madrid

Ruru ‘di man best year ang 2025 maituturing namang meaningful

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG 2026 ay puno ng pasasalamat at pag-asa sa bagong taon …

Jacqui Cara DJ Jhai Ho Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho ‘di big deal matawag na sir o ma’am: Iginagalang ka pa rin naman

RATED Rni Rommel Gonzales CONTROVERSIAL issue ngayon ang pagtawag ng “Ma’am” at “Sir” sa mga …