LUMILIIT daw ang mundo ni Alden Richards dahil iniiwasan na siya ng ibang Kapuso actresses. Naiilang sila na kasama siya dahil bina-bash ng AlDub Nation ‘pag nakakasama sa picture.
“Medyo nagugulat din po ako sa mga tao minsan kapag mayroon akong kaibigan sa showbiz na nagpapa-picture lang at nakakasama sa picture. Minsan po hindi nila naiintindihan na itong industry natin ay very small. So, magkakaroon at magkakaroon ng mga ganoon dahil nakakasama ko sila sa mga event at mga commitment ko. Pero, nothing to worry naman po kasi AlDub muna ang priority ko,” deklara niya.
Humihingi na lang daw siya ng pasensya sa mga friend niya na naba-bash at ‘wag na lang daw pansinin.
Hindi kaya ang mga selosong fans ang dahilan na mawalan siya ng lovelife?
“Malay niyo po. Ha!haha! (Baka si Maine Mendoza) kasi hindi naman natin alam. Since before, sinasabi ko naman sa aking mga nakaka-love team, hindi ko po isinasara ang pintuan at chance na ma-develop,” bulalas niya.
‘Yun na!
TALBOG – Roldan Castro