Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangasinan Mayor Ratratero

THE WHO logo
THE who ang isang alkalde ng Pangasinan na nahalal sa kanyang puwesto kahit na isang drug dependent siya?

Ayon sa aking matikas na Hunyango, high school student pa lang si yorme ay gumagamit na umano siya ng marijuana.

Sa katunayan nga dahil sa pagkagumon umano lagi siyang may dalang damo sa kanilang eskuwelahan.

Adik talaga ha?

Nyak nyak nyak nyak nyak…

At heto na nga, nang maupo siyang mayor, aba’y shabu na ngayon ang kanyang tinitira at makikita ito sa kanyang kilos at hitsura.

Hala! Nag-upgrade na!

Hehehehehehehehe.

Banggit ng aking Hunyango lagi raw pawisan si sir kahit nasa kuwarto o lugar na mayroong airconditioning at laging nagngangalit ang kanyang mga bagang dahil sa lakas ng tama.

Lakas tama ba?! Aba ‘e di ibig sabihin panay ang ratrat niyan.

Hahahahahahaha!

 Para na nga raw kuwago si sir sapagkat “Palaging Mulagat” ang kanyang mata or in short PM dahil hindi na siya nagtututulog sa gabi.

‘Ika nga ni Kuya Germs… WALANG TULUGAN!!!

Har har har har har!.

Heto ang matindi dahil sa pagiging durugista ni Mayor, nagkalat ang mga drug pusher at drug lords sa kanyang bayan!

Naku po!

PDEA nasan na kayo!

Bulong ng Hunyangong magaling, dati-rati raw studio type lang ang bahay ni PM pero sa ngayon nagpapatayo na siya ng mansion.

Napag-alaman rin natin na may mamahaling sasakyan na si Alkalde kompara sa dati na tila kalabaw lang ang sinasakyan.

Kalabaw daw o! 

Alam n’yo ba kung bakit biglang naging bigtime si sir? Siya na raw kasi ang protector ng illegal drugs sa kanilang lugar.

Aray! Aray! Nakuuuuu!

Who-laan n’yo kung sino ang Damuhong Alkalde!.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jethro Sinocruz

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …