Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Mga patay sa panaginip

00 PanaginipGud am Señor,

Anne pho to ng Ortigas… lage poh q ngbabasa ng column niu about sa mga meaning ng panaginip. Nkkatulong poh kc tlga. Ask q lng poh kng ano poh meaning ng panaginip q n mga patay. Lage q poh kc nappnqginipan. Me nakita daw poh aqng plastic na may putol na katawan ng tao. Xna poh matulu-ngan niu q. Tnx poh (09469422442)

To Anne,

Ang panaginip ukol sa patay ay maaaring babala na may kaugnayan sa mga negatibong bagay at tao sa paligid mo na labis na nakaka-impluwensiya sa iyo. Ikaw ay nakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao at ito ay maaaring magbunga ng material loss. Posible rin na nagsasaad ito na nami-miss mo ang mga malapit sa iyo at mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Sa kabilang banda, ang panaginip mo ay isang paraan din na nagiging daan upang maging outlet para mas makayanan ang sinapit na pagkawala ng minamahal sa buhay. Maaari rin na ang ganitong klase ng panaginip ay may kaugnayan sa trauma o takot na muling mangyari ang mapait na karanasang tulad nito o takot na mawalan muli ng mahal sa buhay. Posible rin naman na nagpapahiwatig ito na nakikihalubilo ka sa maling grupo ng mga tao, kaya dapat pag-isipan ito at maging maingat.

Kung sa panaginip naman ay nakitang may natanggal o naputol, maaaring pahiwatig o nagpapakita ito na hindi mo naipaparating ang iyong point of view, na ikaw ay hindi naiintindihan dahil sa putol na komunikasyon o relasyon. Alternatively, ito ay maaaring nagsasabi rin na pakiwari mo ay naputol ka o nahiwalay sa lipunan, sa iyong mga kaibigan, at sa pamilya mo o mga taong labis mong pinahahalagahan. Maaring ikaw ay nasa hindi magandang sitwasyon at hindi alam ang gustong gawin sa buhay mo, kaya kailangan mo ang mga taong malalapit sa iyo. Dapat na laging manalig sa iyong abilidad o kakayahan at sa kapangyarihan ng Diyos, sa mga pagkakataong may suliranin o kailangan ng patnubay.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …