Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Direksiyon ng chi energy binabago ng salamin

00 fengshuiBINABAGO ang direksiyon ng chi energy ng mga salamin at iba pang reflective surfaces, katulad din ng pag-reflect ng liwanag sa ibang bagong direksyon.

Ito ay makatutulong kung nais mong mabuwag ang fast-moving chi o mag-reflect ng maraming energy patungo sa stagnant area.

Ang layunin rito ay ang mapalabas ang stale chi, na makatutulong sa iyo sa pagpapalaya ng iyong creative chi.

Mayroong dalawang uri ng mirrors na karaniwang ginagamit: flat mirrors na magre-reflect nang pantay-patay sa enerhiya, at round convex mirrors para sa pagbuwag ng chi energy sa iba’t ibang direksyon.

Ganito rin sa iba pang mga bagay na yari sa polished reflective metal. Ang reflective concave objects ay sumasagap ng chi energy patungo sa kanila.

*Magsabit ng salamin sa dark spaces na kung saan mo nais mag-reflect ang karamihan sa available light pabalik sa iyong kuwarto. Maaari itong gawin sa basement spaces, at maging sa apartment na kaunting liwanag lamang ang nasasagap.

*Maglagay ng salamin upang ang natural light mula sa bintana ay mag-reflect pabalik sa madilim na erya ng kwarto o stagnant corner. Mas madali itong magagawa sa convex mirror, dahil ikakalat nito ang liwanag, at masisinagan ang malawak na erya ng kwarto.

*Gumamit ng salamin upang mapunuan ang alinman sa walong directions na maaaring “deficient” sa iyong floor plan. Maglagay ng salamin sa espasyong may kaugnayan sa deficient chi, upang ang likod ng salamin ay nakaharap sa labas ng inyong bahay.

*Maglagay ng convex mirror o ano mang convex reflective object sa daanan ng fast-flowing chi upang mabuwag ang enerhiya patungo sa mga erya ng bahay na kung saan kaunti lamang ang chi.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …