Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpet ko: Crush in the coffin

00 PanaginipDear Señor H,

Yesterday night, nanaginip ako, and in my dream, there is my crush, pero patay na siya at na-kaburol, what does it means ?

                                             (09485955768)

To 09485955768,

Ang bungang-tulog ukol sa crush ay nagpapakita ng literal na repleksiyon ng iyong atraksiyon sa taong napanaginipan mo na may crush ka. Normal lang ang ganitong bagay na mapanaginipan ang iyong crush, dahil kung laging laman siya ng iyong isipan, natural na napakalaki ng posibilidad na mapanaginipan mo siya. Mag-ingat lang sa pakikipagrelasyon na ikaw ang agresibo o ikaw lang ang may totoong feelings, dahil baka gamitin ka lang at sa bandang huli ay masaktan ka lang.

Ang panaginip mo ukol sa patay ay maaaring babala na may kaugnayan sa mga negatibong bagay at tao sa paligid mo na labis na nakaka-impluwensiya sa iyo. Ikaw ay nakikihalubilo sa maling grupo ng mga tao at ito ay maaaring magbunga ng material loss. Posible rin na nagsasaad ito na nami-miss mo ang mga malapit sa iyo at mga mahal sa buhay na sumakabilang buhay na. Sa kabilang banda, ang panaginip mo ay isang paraan din na nagiging daan upang maging outlet para mas makayanan ang sinapit na pagkawala ng minamahal sa buhay. Maaari rin na ang ganitong klase ng panaginip ay may kaugnayan sa trauma o takot na muling mangyari ang mapait na karanasang tulad nito o takot na mawalan muli ng mahal sa buhay.

Maaaring babala rin sa iyo ito na dapat manaig ang isipan sa iyong nararamdaman sa crush mo. Kaya dapat na huwag maging padalos-dalos sa mga desisyon sa buhay, kasama na ang ukol sa iyong lovelife. Good luck sa iyo and God bless.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …