IDINEKLARA ng Italian court na ang Fiat plant worker sa Sicily ay hindi dapat sibakin dahil sa panonood ng porn sa lunch break, ayon sa ulat ng Local sa Italy via LiveSicilia.
Ang desisyong ito ang nagbabasura sa apela ng Italian auto maker.
Ang kaso ay nagsimula pa noong 2010 nang ang pagsibak sa isang lalaki ay inaprubahan ng korte, ayon sa ulat ng Local. Ngunit sa 2011 desisyon, binaliktad ang desisyon at iginiit na dapat tanggapin ni “Giuseppe Z” ang lahat ng kanyang back pay at bonus, gayondin ang kontribusyon sa social security, ayon sa ulat ng La Repubblica .
Ngayon, ang highest court ng Italy ay sumang-ayon sa kanyang panig na nahuli lamang siyang sumulyap sa X-rated DVD habang lunchbreak, at hindi niya hinayaang maapektuhan ng kanyang adult-film habit ang kanyang normal working hours sa pabrika. (THE HUFFINGTON POST)