Friday , November 22 2024

Jueteng ni Tony Santos umaariba; alyas ‘Baby’ ‘bagman’ daw ng DILG

00 Kalampag percyNAPILITANG ipag-utos ni Interior Secretary Mel Senen Sarmiento sa Philippine National Police (PNP) na arestohin ang sinomang nagpapakilalang ‘bagman’ ng DILG na kumukolekta umano ng ‘payola’ mula sa iligal na jueteng.

Isang alyas “Baby” ang itinuturong gumagamit sa pangalan ng matataas na opisyal ng DILG mula sa ipinamumudmod na payola mula sa kilalang gambling lord na si “Tony Santos”.

Ito raw ang dahilan kung bakit largado sa buong Metro Manila ang jueteng ni Tony Santos at humahakot ng halagang P0-M kada araw.

Sakop ng jueteng ni Tony Santos ang 16 na lunsod at isang municipal sa NCR at tatlong beses ang bola sa isang araw.

Ang ipinagtataka lang natin, ni minsan ay wala tayong narinig kay Director General Ricardo C. Marquez na kampanya laban sa jueteng mula nang siya ay maitalaga bilang hepe ng PNP.

Hindi na bago sa pandinig natin ang pangalang Tony Santos (aka Tony Bolok) pagdating sa jueteng at illegal gambling at matagal nasa listahan ng mga kilalang gambling lord sa bansa.

At kung ‘di tayo nagkakamali, si Baby ay matagal nang nagseserbisyo bilang kolektor sa illegal gambling ng matataas na opisyal ng PNP at CIDG na minsan nang pumapel na kolektor ng “tara” sa Bureau of Customs (BoC).

Imposibleng mamayagpag ang jueteng ni Tony Santos sa buong NCR kung walang basbas at hindi naka-timbre sa PNP.      

Campaign donations bubusisiin na

BUBUSISIIN na raw ang mga mag-aambag sa campaign kitty ng mga kandidato sa 2016 elections.

Magkatuwang raw na babantayan ng Commission on Elections (Comelec) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang campaign funds ng mga kandidato sa bisa nang nilagdaan nilang memorandum of agreement (MOA).

Alinsunod sa MOA ay mahigpit na ipatutupad ang isa sa mga probisyon sa Corporation Code of the Philippines na bawal ang mga korporasyon at SEC-registered entities na magbigay ng pondo sa mga kandidato.

Batay naman sa Omnibus Election Code, diskuwalipikadong mag-ambag sa kandidato ang “public or private financial institutions, operators of public utility, contractors or subcontractors supplying the government with goods or services, educational institutions as well as civil officials and employees and members of the Armed Forces.”

Ang tanong ay uubra ba ito sa husay magsinungaling ng mga kandidato sa isinusumite nilang Statements of Election Contributions and Expenditures (SECE) sa Comelec, lalo na ngayong alam nilang uukilkilin na ito?

Kung tutuusin ay hindi naman kailangan ang naturang MOA para habulin ang mga korporasyon at negosyanteng nagmamanok ng kandidato sa halalan dahil nasasaad ito sa sa Omnibus Election Code at Corporation Code of the Philippines.

Sakaling ipatupad man ito, maniniwala ba tayong walang kakayahan ang mga maasunto na magbayad ng multang mula P1,000 hanggang P10,000?

Sa U.S. of A, mahigpit na ipinatutupad ang katulad na batas at matatandaan na si dating Rep. Mark Jimenez (aka Mario Crespo) ay nasampolan at ilang taon din nabilanggo doon.

STL cum jueteng ibunulgar ni Ayong

PINASISYASAT ni PCSO Chairman Ireneo “Ayong “ Maliksi sa National Bureau of Investigation (NBI) at Ombudsman ang paggamit sa small town lottery (STL) bilang prente ng illegal numbers game na jueteng.

Kuwestiyonable rin ani Maliksi ang kakarampot na kita ng STL na nakakarating sa kaban ng PCSO.

Kung prente kasi ng jueteng ang STL, natural na ang kakabig ng malaki ay ang gambling lord at hindi ang gobyero.

Noong panahon ng administrasyon ni Margie Juico nabulgar na mala-sindikato ang naging patakbo ng STL.

Sinuway niya ang direktiba ni Pangulong Noynoy Aquino na ilarga na ang proyektong Loterya ng Bayan kapalit ng Small Town Lottery (STL) para mawala na sa kontrol ng jueteng lords ang naturang numbers game.

Balewala sa kanila kahit nabuko na ni PNoy na nakopo na ng jueteng lords ang prangkisa ng STL bilang prente sa kanilang illegal numbers.

Talagang hindi kayang ipatupad ni Juico ang utos ng Pangulo sanhi ng  ilang bigtime gambling lords na ang nagpaluwal ng ‘advance goodwill money’ kay Popoy Kirat para magkaroon ng franchise sa Loterya ng Bayan.

Isang bigtime gambling lord mula sa Central Luzon na nagbigay ng P45 milyon kay Popoy Kirat sa pulong na ginanap sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City, kasama niya ang dating opisyal ng militar at isang public relations man na publisher din ng broadsheet para mahuthutan ang gambling lord.

Hindi na maibalik ng sindikato sa PCSO ang salaping tinanggap mula sa kanila na pinaghati-hatian ng grupo kaya dinedma na ang Loterya ng Bayan.

Ang sakit ng ulo ngayon ni Maliksi ay si Juico lang ang nawala sa PCSO pero ang kanyang mga kasabwat ay hindi natinag kaya tuloy ang kanilang ligaya.

Ano kaya ang masasabi ni Atty. Ferdinand Rojas?

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *