Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Flowers & balloons

00 PanaginipHello po Señor,

Ung drim ko ay about flowers, then may mga balloons or lobo na lumipad na ‘yung iba nakuha dn daw, yun na po, pls wait ko ito s tabloid nyo, call me Grayz and pls dnt post my cp #! Tnxx!

To Grayz,

Ang bulaklak sa panaginip ay may kaugnayan sa kindness, compassion, gentleness, pleasure, beauty, at gain. Ito rin ay simbolo ng perfection at spirituality. Ang ganitong bungang-tulog ay maaaring expression of love, joy at happiness. Alternatively, ang bulaklak ay maaari rin namang nagsasaad ng partikular na time o season. Kung ang bulaklak ay puti, maaaring ito ay sumasagisag sa kalungkutan. Kung ang natanggap ay bouquet of flowers, ito ay nagre-represent ng respect, approval, admiration, at rewards.

Ang panaginip naman na hinggil sa lobo ay nagpapakita ng bumababang pag-asa sa paghahanap mo ng pagmamahal. Maaari rin na may sitwasyon sa iyong buhay na maghuhudyat ng pababang kalagayan o pababang patutunguhan nito. Ang mga lobo ay nagre-represent din ng pagiging arrogance at ng inflated na opinion mula sa iyong sarili. Kung makakita ng itim na lobo, ito ay sagisag naman ng depression, lalo na kung ang mga lobo ay pababa na. Maaari rin namang ang kahulugan nito ay ang frustrating conditions sa iyong buhay, na kabaligtaran ng paghahangad mong pag-asenso. Posibleng may pahapyaw na kagustuhan din ito ng ukol sa pagtakas. Sa positibong bagay naman, ang mga lobo ay simbolo ng celebration at festivities. Kailangan mong kilalanin ang inner child sa iyong pagkatao. Maaaring ang ilang insidente nang nawalang oportunidad sa parte mo ay nagre-represent ng lumipad na lobo. Subalit dahil nakuha rin ang ibang lobong lumipad, posibleng nagpapakita ito ng pagbawi naman sa ilang hindi magagandang pangyayari sa iyong buhay. Kailangan lang na huwag kang mawawalan ng pag-asa at naka-focus ka sa iyong mga mithiin sa buhay, upang magkaroon ito ng katuparan.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …