Friday , November 15 2024

2nd DQ case inihain vs Grace Poe

ISA pang disqualification case ang hinaharap ni Senator Grace Poe mula kay dating senador Francisco “Kit” Tatad laban sa presidential candidate.

Isinumite ni Tatad ang kanyang petisyon sa Commission on Elections (Comelec) main office sa Palacio del Gobernador sa lungsod ng Maynila.

Iginiit ng dating mambabatas, hindi “natural born Filipino” ang senadora at hindi rin siya pasok sa 10-year residency requirement ng mga tatakbong presidente.

Sagot ng kampo ni Poe, iginagalang nila ang opinyon ng dating senador ngunit sa huli ay ‘rule of law’ ang dapat na umiral.

Ayon sa abogado ni Poe na si Atty. George Erwin Garcia, naniniwala silang kompleto sa requirements ang kanilang kliyente para sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon.

Palasyo dumistansiya

DUMISTANSYA ang Palasyo sa disqualification case na isinampa ni dating Sen. Francisco Tatad laban kay Sen. Grace Poe sa Commission on Elections (Comelec) kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, ipinauubaya na ng Palasyo sa Comelec ang usapin dahil ang poll body ang magdedesisyon sa kaso.

“We will defer to how COMELEC (Commission on Elections)… May petition na nai-file sa COMELEC so it’s up to the COMELEC to decided on the petition of Senator Kit Tatad. Wala rin kaming masasabi riyan dahil ‘yung—kung may merito ‘yung kaso o wala, nasa COMELEC po ang desisyon niyan,” aniya.

Isasailalim ng Comelec sa wastong proseso ang kaso kaya ayaw na ng Palasyo na makilahok sa paghahayag ng mga espekulasyon sa isyu.

Hiniling ni Tatad sa Comelec na habambuhay nang pagbawalan si Poe na kumandidato dahil hindi natural-born Filipino citizen ang senadora at hindi niya natupad ang 10-year residency requirement para sa isang presidential candidate.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *