Ask qo lng, anu ky ibig sbhn ng drim ko na me pumasok n paroparo kgvi s bhay color brown tas me design mganda xa maliit huag mu lng lgay cel # ko, Baby Bea, tnx
To Baby Bea,
Ang paro-paro ay may kaugnayan sa creativity, romance, joy, at spirituality. Posibleng ikaw ay makaranas ng transformation sa makabagong pamamaraan ng pag-iisip. Ikaw rin ay maaaring sumasailalim o sasailalim sa transitional phase. Isa-alang-alang ang terminong “social butterfly” na naglalarawan ng isang taong popular at outgoing. Ito ba ang iyong deskripsiyon? Kung hindi, maaaring nagsasaad ang panaginip mo na kailangan kang maging outgoing. Alternatively, ang butterfly ay sagisag ng longevity. Ang bungang-tulog mo ay maaaring nagsasabi rin ng pangangailangan ng break sa pagiging abala at demanding na pang-araw-araw na buhay mo. Ito ay maaaring nagpapahayag din sa iyo ng pangangailangan o paghahanap ng peace at quiet sa iyong pamumuhay. Kailangan mo rin ng sapat na panahon upang ma-decompress at ma-restore ang iyong pananalig o pananampalataya. Kapag nanghuli o nanguha naman ng paro-paro, nagsasaad ito ng pagiging superficial mo. Alternatively, maaaring nagsasabi rin ito ng possessive nature. Kapag naman nakakita ng patay na paro-paro, may kinalaman ito sa hindi natutupad na mga mithiin sa buhay.
Ang kulay na brown naman ay nagsasaad ng worldliness, practicality, domestic bliss, physical comfort, conservatism, and a materialistic character. Ang brown ay nagre-represent din ng ground and earth na maaaring nagpapahiwatig ng pangangailangang magbalik ka sa iyong roots.
Señor H.