Tuesday , April 15 2025

Mar, Leni sinamahan ni PNoy sa CoC filing

INIHATID pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon ng umaga sa pintuan ng tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sina administration presidential at vice-presidential bets Mar Roxas at Leni Robredo para maghain ng kanilang certificate of candidacy (CoC) para sa 2016 elections.

Nauna rito, dakong 7 a.m. ay magkakasamang nagsimba sina Aquino, Roxas at Robredo pati na ang ilang opisyal, miyembro at tagasuporta ng Liberal Party (LP)) sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

“The President accompanied Secretary Roxas and Congresswoman Robredo at the Manila Cathedral before they went to the COMELEC offices to demonstrate his solidarity with them, in his capacity as chairman of the Liberal Party and as titular head of the ‘Daang Matuwid’ coalition,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr.

Sinabi ng Pangulo na “excited” na siya sa eleksyon sa susunod na taon.

Naitala ni Aquino sa kasaysayan bilang bukod-tanging Pangulo na sinamahan pa hanggang Comelec ang kanyang mga ineendorsong presidential at vice presidential candidate bilang pagpapakita ng buong suporta sa kanilang kandidatura.

About Rose Novenario

Check Also

MRT-7 post West Avenue

Sa Quezon City
Poste ng gingawang MRT-7 bumigay

BUMIGAY ang isa sa mga poste ng ginagawang MRT-7 sa bahagi ng West Avenue, sa …

Parañaque Police PNP

2-anyos nene ini-hostage kelot timbog sa Parañaque

ARESTADO ang isang lalaki na nang-hostage sa isang 2-anyos batang babae sa loob ng isang …

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *