Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Halimaw namataan sa New Jersey?

101615 New Jersey Monster
KUNG dapat paniwalaan ang alamat at ang sinasabi ng mga saksi, sa isang lugar ng New Jersey, ay may lumitaw na devil na maging si Satan ay tiyak na manghihilakbot. At ngayon ay may imahe nang magpapatunay nang pag-iral nito. O kaya ito ay isang lumilipad na peluka lamang?

Iniulat ng NJ.com na nagulantang nitong nakaraang linggo ang security guard na si Dave Black nang mamatamaan ang inakala niyang llama habang tumatakbo sa kakahuyan sa gilid ng kalsada habang siya ay mabilis na nagmamaneho ng sasakyan sa golf course sa Galloway, New Jersey. Kung hindi sapat na ikagulat ang nakatakas na llama at nanggulo sa New Jersey, ang sinabi ni Black kung ano ang kanyang nakita ang higit na nakahihilakbot.

Ayon kay Black, ang nasabing hayop ay biglang nagladlad ng kanyang mga pakpak at lumipad sa golf course. Mabilis niyang kinuha ang kanyang camera at kinunan ito ng larawan, ngunit isang imahe lamang ang kanyang nakuha na kanyang isinumite sa NJ.com.

Ang mga kwento tungkol sa namataang halimaw ay nagsimula pa noong 280 taon na ang nakaraaan. Ito ay may katawan ng kangaroo, may ulo ng aso, may mukha ng kabayo, at may malapad na leathery wings, may sungay na katulad ng usa, at may forked reptilian tail at may nakatatakot na mga kuko, ayon sa Weird N.J.

Ang nasabing ‘hellish cryptid’ ay sinasabing nakakikilabot ang huni.

Ang larawan kaya ni Black ay totoong imahe ng halimaw? Nang itanong ni NJ.com reporter Kelly Roncace kay Black kung seryoso ba siya kaugnay sa larawan, idinepensa niya ang imahe at sinabing hindi ito panlilinlang.

“Yes, I swear it’s not Photoshopped or a staged thing,” pahayag ni Black kay Roncace.

“People have said it’s fake, but it’s not. I’m honestly just looking for an explanation for what I saw.”

Ngunit kung hindi ito isang halimaw, ito kaya ay premature Halloween stunt?

(THE HUFFINGTON POST)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

DOST-Central Luzon joins Uhay Festival celebration in Nueva Ecija

The Department of Science and Technology – Central Luzon, under the leadership of its Regional …

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …