SARI-SARING reaction sa social media ang ipinupukol sa mag-asawang Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano dahil sa lantaran nilang pagsuporta sa kandidatura ni Sen. Bongbong Marcos. Tatakbo kasi itong Pangalawang Pangulo ng bansa sa election 2016.
Nakita sina Toni at Paul na nakasuot ng pula sa pag-anunsiyo ni Sen. Bongbong sa Intramuros kasama ang dating first lady na si Imelda Marcos at si Kuya Germs.
Hindi naman masisisi sina Toni at Direk Paul kung ibigay nila ang support kay Senator Bongbong dahil naging ninong nila ito sa kasal.
Kung sabagay, hindi lang naman sina Toni at Direk Paul ang may gusto kay Senator Bongbong.
Nang makatsikahan namin si Gabby Eigenmann sa concert ni Gloc 9 sa Music Museum, si Sen. Bongbong din ang choice niyang Vice President as of now.
Bagamat ang ilang netizens ay naalala at nag-aalala sa umano’y dictatorship noong rehimeng Marcos, marami pa rin ang tumitingin ng positibong pananaw sa anak ng yumaong Presidente Ferdinand Marcos.
At least, ang pagsuporta nina Toni at Direk Paul ay hindi dahil sa pera kundi naniniwala sila sa kakayahan ni Senator Bongbong.
Ganyan din ang leksiyong matututuhan sa sitcom nina Toni at John Lloyd Cruzsa Sabado sa Home Sweetie Home ng ABS-CBN 2. Bagamat maraming naidudulot ang pera, minsan mabuti, minsan masama. Pero materyal lang ang pera, ginagamit ito, pero ‘wag magpagamit.
Ngayong Sabado, magkakaroon ng conflict sa Home Sweetie Home dahil aksidenteng naipasok ni Romeo (John Loyd) ang sweldo nina Ed at Lino sa kanyang sariling payroll account. Natiyempuhan pang ibinigay niya sa asawang si Julie (Toni) ang kanyang ATM noong panahong iyon para makapag-grocery ito. Ano ang gagawin ni Romeo ngayong nagastos na sa bahay nila ang pera? Maibalik pa kaya nito ang pera nina Ed at Lino?
TALBOG – Roldan Castro