Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

NCRPO Director, Gen. Joel Pagdilao gustong mag-iwan ng legasiya sa pulisya

00 rex target logoGUMANDA ang peace and order situation ngayon sa buong Metro Manila.

Bumaba ang crime rate at tila nagkanerbiyos ang mga dating daring na kriminal. Lay low ang carnappers, kidnappers at maging ang mga perpetrators ng street crimes.

We credit this to general Joel Pagdilao’s relentless efforts to contain organized groups at simple petty criminals.

Ongoing pa rin ang Oplan Lambat Sibat na hindi lamang nasa kalyeng masasamang-loob ang target ng pulisya kundi yaong mga matagal nang wanted sa batas.

Karamihan kasi sa mga nasa most wanted list ay mga crime lords o ‘yung tinatawag na lider ng mga sindikato.

Sa kasaysayan ng NCRPO, ngayon lamang tila na-contain ng mga pulis na in-charge sa peace and order ng buong NCR ang sitwasyon considering na halos panahon na ng kampanyahan at eleksyon.

Malaking bagay sa karanasan ni General Pagdilao ang kanyang naging stint sa Quezon City Police District (QCPD) na isa sa pinakamalaking populasyon at land area in terms of jurisdiction.

Na-neutralized din ang mga notorious criminal groups na may ilang panahon na rin namamayagpag sa Kamaynilaan.

Maganda rin ang relasyon ni General Pagdilao sa LGUs na kanyang nasasakupan. Nakuha niya ang 100 porsiyentong kooperasyon ng mga lokal na lider ngmga lungsod at bayan sa Metro Manila.

Maganda ang pundasyon ng pagkatao ni General Pagdilao kung kaya’t nang iatang ng pambansang pulisya sa kanyang mga balikat ang responsibilidad na pangalagaan at pamunuan ang katahimikan at kaayusan sa Kalakhang-Maynila bilang hepe ng NCRPO, nagawa niya ang bawat demands ng kanyang tungkulin.

Maging yaong mga ‘Kotong Cops’ na nahirati sa delihensiya ay nabawasan nang malaki.

Isa itong  hakbang tungo sa propesyonalisasyon ng pulisya at ang image building na nais ipatupad ng mamang heneral sa kanyang liderato.

Nawa’y mapagtagumpayan ni Gen. Pagdilao ang sinimulang reporma sa PNP at maging huwaran ng lahat ng ating law enforcers.

Pagdilao has initiated the very first move towards reform and reformation of values, sana’y magtuloy-tuloy na ito.

Congrats  General Joel Pagdilao sir  and may your tribe increased.

Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday  to  Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag- email sa [email protected]

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rex Cayanong

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …