HINAHANGAD mo bang ikaw ay gumaling sa pakikipagnegosasyon upang makamit ang iyong nais? Ito man ay sa trabaho, sa iyong asawa o mga anak, ikaw ay nagsasagawa ng maraming negosasyon kada araw. Sa palagay mo ba ay mas magiging tagumpay ka kung ikaw ay mas magaling sa pakikipagnegosasyon?
Isang paraan ay ang matutong mabasa ang mga tao sa simpleng hakbang na ito.
*Matutong alamin ang physiology ng tao – Ang physiology ng tao ay kung paano sila tumayo, maglakad at i-project ang kanilang sarili. Ito ay may kaugnayan sa kanilang enerhiya o chi, ngunit karamihan sa mga tao ay hindi batid kung ano ang sinasabi ng kanilang physiology kaugnay sa kanilang sarili – sa mga taong batid kung paano ito babasahin. Ang physiology ng isang tao ay nagpapahayag ng negatibo o positibo, ang level ng kanilang kompyansa, at kung paano mo higit na makukuha ang kanilang emosyon.
*Makibagay sa tao – Narinig n’yo na ba ang kasabihang “We speak the same language?” Ang mga tao ay may iba’t ibang learning categories: kinesthetic, visual, auditory and olfactory. Ito ang naglalarawan sa mga tao kung paano nila iniuugnay ang kanilang sarili sa mga bagay: sa pamamagitan ng aksyon/paghipo, tingin, pakikinig o pag-amoy. Sa lengguwahe ng tao ay masasalamin ang kanyang learning style. Alamin kung ano ito at gamitin ang kaparehong salita upang magkaroon ng mainam na koneksyon para sa matagumpay na negosasyon.
* Ilahad ang layunin o pakay at manatili rito – Ang pagiging kompyansa sa mga negosasyon ang pangunahing sangkap na magdadala sa iyo patungo sa pagiging master negotiator. Ilahad kung ano ang iyong nais mula sa ano mang negosasyon at itakda ang iyong intensyong ito ay makamit.
Ikaw man ay nakikipagnegosasyon para sa dagdag-sahod o para mapatulog ang mga bata sa gabi, ang iyong kakayahan sa negosasyon ay makatutulong sa iyo patungo sa landas ng buhay na iyong hinahangad.
ni Lady Choi