Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buboy, okey daw ang relasyon kay Diego; 3 anak kay Sunshine, sobrang nami-miss na

101415 Maria Ozawa cesar montano 2
BAKAS sa mukha ni Cesar Montano ang lungkot sa pinagdaraanan niya sa kanyang tatlong anak na babae kay Sunshine Cruz.

Kumusta na  ang relationship niya sa mga anak niya?

“Well, now…wala pa akong masabi  kasi isinama ng ‘dati kong asawa’  ‘yung pangalan ng tatlong anak ko sa case namin inside the circle of  gag order. Although I hate the idea, wala akong magagawa,” tugon niya nang makatsikahan siya sa mini-presscon ng kanyang filmfest movie na Nilalang with Maria Ozawa, Meg Imperial, Aubrey Miles, at Yam Concepcion.

Hindi rin daw nakikipag-cooperate ang mga ito para magkaroon sila ng communication kahit gumagawa umano siya ng way bilang isang ama. Kasama  umano ‘yun sa agreement nila pero hindi nila ginagawa.

Matagal na raw niyang hindi nakikita at nakakausap ang tatlong anak niya.

“Buti na lang  nagwo-work ako, nagpi-paint ako, may pelikula at kung tatanungin niyo ako  sa part na ‘yun kung masaya ako , I’m not,”  pagtatapat niya.

“I miss them more than my life. Ang lungkot,” sey pa niya.

‘Yung mother nami-miss ba niya? Tumawa na lang si Buboy (tawag kay Cesar).

Mariin din niyang sinabi na mas napalapit siya kay God dahil na rin siguro sa bigat ng kanyang mga dinadala.

“Well, baka makanta ko pa rito ‘yung kanta ni Basil Valdez (‘Lift Up Your Hands’),” aniya. Hanggang awitin nga niya ang ilang lyrics ng kanta na  “And He said, cast your burdens upon Me  Those who are heavily laden, Come to Me, all of you who are tired  of carrying heavy loads, For the yoke I will give you is easy , And My burden is light, Come to Me and I will give you rest.”

Tinanong din kay Buboy kung kumusta ang relasyon niya sa anak niyang si Diego Loyzaga (anak niya kay Teresa Loyzaga).

“Okey kami, lagi kaming nagco-connect. Nagte-text kami. Very busy na siya.I’m very proud about my son, kapapanalo lang niya sa FAMAS, ang ganda ng career niya,” bulalas ng actor ng Nilalang.

Nakakarating din sa kanya ang magandang feedback sa acting ni Diego mula Forevermore  hanggang Pangako Sa ‘Yo.

“Ang galing, tuwang-tuwa ako,” sey pa niya. ”Tuwing nagkikita naman kami niyon parang nag-a-acting workshop kami, nagkukuwentuhan kami, ganoon kami,” dagdag pa niya.

How true na bibigyan niya ng kotse si Diego?

“Binigyan ko na ‘yan dati,” pakli niya.

“Bibili siya ng bahay. Nakatira kasi siya sa isang bahay ko sa Sct. area. Gusto niya bumili ng another bahay,” sey pa niya.

Idiniin ni Cesar na okey ang relationship nilang mag-ama.

“Oo naman, mahal na mahal ko ‘yung anak kong ‘yun,”  deklara pa niya na paulit-ulit niyang sinasabi na proud siya kay Diego.

Tungkol  naman sa filmfest movie niyang Nilalang, bago raw niya tanggapin ito ay nag-text siya kay Robin Padilla. Sumagot naman daw si Binoe na natutuwa ito na siya ang gagawa ng inatrasan niyang proyekto. Hindi rin isyu kay Cesar kung second choice o hundred choice siya. Ang importante ay napunta sa kanya ang role at ang pelikula. Ang  Nilalang ay sa ilalim ng direksiyon ni Pedring Lopez.

Talbog!

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …