ANG pinakamalaking wildlife overpass sa Estados Unidos ang maaaring makasagip sa mountain lions ng Southern California.
Ang malawak at madamong tulay sa itaas ng 10-lane section ng 101 highway ay layong pagkalooban ang mga hayop na ito ng daan para ligtas na makatawid sa pagitan ng Santa Monica Mountain at Simi Hills – para magkaroon ng pagkakataong makasalamuha ang mga hindi nila kaanak.
Ang overpass ay idinesenyo sa lawak na 165 feet at habang 200 feet, at lalagyan ng pataniman ng mga gulay. Ang gastos ay tinatayang aabot ng $30-40 milyon.
Ang dahilan ng overpass na ito ay mahalaga, at hindi lamang dahil kahanga-hanga, kundi ang Southern california’s mountain lions – kilala bilang cougars at pumas – ay nahaharap sa seryosong kakulangan sa “genetic diversity” sa sandaling ito.
Kabilang sa mga dahilan nito ang freeways, na naging sagabal sa mga hayop na makapaglakbay nang ligtas (para sa pakikipagtalik o iba pang bagay), at humantong sa tinatawag ng University of California scientists na “genetic bottleneck.” Bukod dito, ang mountain lion population ay napakaliit na ngayon, kaya pinangangambahan ang “long-term viability,” sitwasyong hindi natulungan ng ilang high-profile animals na nasasagasaan ng mga sasakyan.
Inaasahang ang panukalang overpass – sinasabi ng iba ay magiging pinakamalaki sa bansa, habang ayon sa iba ay pinakamalaki sa mundo, ang magbibigay ng bagong buhay sa mga hayop.
“These mountain lions are running out of time and this wildlife crossing will help ensure they have a future in the Santa Monica Mountains,” pahayag ni Beth Pratt, California director for the National Wildlife Federation. “But the crossing would also help a variety of wildlife navigate this highly urbanized area. Los Angeles has a chance to become a leader in urban wildlife conservation worldwide with building this crossing.”
(THE HUFFINGTON POST)