Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Environmental anchors

00 fengshuiNANINIWALA ka bang ang iyong iniisip ang bumubuo ng iyong reyalidad? Isang paraan upang mapanatiling positibo ang iyong iniisip ay sa pamamagitan ng paggamit ng environmental anchors – bagay na magpapaalala sa iyong adhikain at magbibigay sa iyo ng positibong pakiramdam kapag nakikita ito.
Ang environmental anchors ay maaaring traditional Feng Shui remedies, katulad ng crystals, wind chimes o water elements, o simpleng bagay na may partikular na halaga sa iyo at sa iyong career.

Narito ang ilang halimbawa ng environmental anchors na maaari mong gamitin para sa mas mainam na career Feng Shui:

*College diploma o sertipikasyon – Ang pagsasabit ng mga ito sa career area ang magpapaalala sa iyong nakaraang accomplishments at sa halaga ng iyong sarili.

*Trophies, awards – Sa paglalagay ng mga ito sa fame and recognition o Feng Shui career trigram ng Ba Gua, magiging mainam ang iyong pakiramdam kaugnay sa iyong nakaraang accomplishments. Kung mabuti ang ating pakiramdam sa ating nakaraan, mas marami tayong magagawa sa hinaharap.

*Larawan ng pera o inspirational photo kaugnay sa yaman. Naghahangad ng pera o yaman ang mga tao dahil nakabibili ito nang magagandang bagay at nagdudulot ng katatagan. Ang yaman ay hindi ang pinakamahalaga sa lahat, ngunit kasunod ng kalusugan, ito ay mahalagang aspeto ng pamumuhay nang matagumpay at pagiging kuntento sa buhay. Kung ang mga larawan o pag-iisip kaugnay sa pera ang magpapabuti sa iyong pakiramdam, palakasin ang wealth corner ng Feng Shui Ba Gua sa pamamagitan ng money symbols.

*Larawan ng mga tao na iyong hinahangaan. Isipin ang mga taong ito sa pamamagitan ng kanilang larawan, at ikaw ay magbubuo ng “energy match” sa kanila. Maging bukas sa mga oportunidad na sila ay makaharap at makilala.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …