INIHAYAG ng halos 800-pound man na sumasailalim sa in-patient treatment bunsod ng ‘obesity’ na pinatalsik siya mula sa ospital dahil sa pag-order ng pizza.
Si Steven Assanti, 33, ay nanatili sa Rhode Island Hospital sa loob ng 80 araw, kung saan nabawasan siya ng 20 pounds, ayon ulat ng sa NBC 10.
Ngunit nang labagin niya ang kanyang diet, iniutos sa kanya na lumabas na lamang ng ospital.
“It’s an addiction and I realize that, and it’s a disease,” pahayag niya sa news segment.
Kinompirma ng hospital spokesman sa ABC sa Boston, na si Assanti ay nakalabas na ngunit ayaw nang magbigay ng iba pang komento.
Pansamantalang nanuluyan si Assanti sa trunk ng SUV ng kanyang ama hanggang sa tinanggap siya ng Kent County Hospital, ayon sa NBC 10.
Sinabi ng kanyang ama, kailangan siyang ma-monitor kundi’y maaaring madagdagan pa ang timbang ni Steven.
Ayon sa pagsasaliksik na inilathala noong 2013, mahigit 15 milyong Amerikano ang ikinokonsiderang ‘morbidly obese.’
(THE HUFFINGTON POST)