Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaerong mister sinaksak ni misis

BUNSOD nang matinding galit, sinaksak ng isang ginang ang kanyang mister nang matuklasang may kabit ang lalaki kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Memorial Medical Center ang biktimang si Conrado Estoria, 47, pantry man ng Tropical Hut restaurant.

Habang nakapiit sa Raxabago Police Station 1 ang suspek na si Ma. Maritess Estoria, 33, kapwa nakatira sa 2745 J. Santos Street, Brgy. 182, Gagalangin, Tondo.

Ayon kay Supt. Redentor Ulsano, hepe ng Raxabago Police Station 1, dakong 11 p.m. nang mangyari ang insidente sa bahay ng mag-asawa.

Napag-alaman, nagtalo ang dalawa nang matuklasan ng suspek na ang biktima ay may babaeng ibinabahay at nagkaroon pa sila ng anak.

Napundi ang biktima sa kadadakdak ng suspek kaya nasampal niya nang malakas.

Nasubsob sa kusina ang ginang at nang makabuwelo dumampot ng kutsilyo at pinagsasaksak ang biktima.

Nakahingi ng saklolo ang kanilang mga anak sa barangay tanod na siyang umaresto sa suspek habang dinala sa ospital ang biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …