Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sexy Leslie: Sinisisi ang ex

00 sexy leslieSexy Leslie,

Napariwara ang buhay ko dahil sa labis na pagmamahal. Apat na taon kami ng nobya ko nang iwan niya ako. Hindi ko akalaing sa kabila ng lahat ay magagawa niya akong ipagpalit sa iba. Dahil sa matinding kabiguan, lumayo ako at napasali sa ibang grupo. Nakagawa ako ng masama kung kaya’t ilang taon akong nabilanggo. Ngunit ngayong malaya na, siya pa rin ang sinisisi ko bakit nasira ang mga pangarap ko. Ano ba ang dapat kong gawin? Glyynne

Sa iyo Glyynne,

Hindi ka dapat magdusa! Tulungan mo ang iyong sarili na makalaya sa anino ng nakaraan. Tapos na ang kahapon kaya mabuhay ka na sa kasalukuyan. Napagbayaran mo na rin ang anumang kasalanang nagawa mo. Tama na rin ‘yang paninisi sa kanya dahil lalo mo lamang pinalalalim ang sugat na nilikha ng labis na pagmamahal.

Masaya na ang iyong ex at kung talagang minahal mo siya, matatanggap mo kung saan siya maligaya. May dahilan kung bakit kayo nagkalayo at may dahilan kung bakit sa isang iglap naligaw ka ng landas. Ngayong malaya ka na at nakahandang humarap sa mundo, magtiwala kang muli sa iyong sarili.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …

Christine Dayrit 60 Dream Holidays Around the World

Lipa City Top Global Destination sa 60 Dream Holidays Around the World ni Cristine Dayrit

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez LIPA, isang lungsod sa Batangas na paboritong local destination ng may …

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …