Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Gold coin at ahas sa dream

00 PanaginipTo Señor,

Sa drims q ay may nakita aq coins na gold, kuknin q sana kea lng ay may ahas dun, nagkalat ung balat nya, d q alam kng bantay, wat kea mening ni2, pagyaman po kea? Kol me Jojo, tnks dnt post my cp…

To Jojo,

Ang gold coins na nakita sa iyong bungang-tulog ay maaaring nagre-represent ng tagumpay at kayamanan. Subalit hindi naman ibig sabihin nito ay mayroon kang dapat hanapin na kayaman na ibinaon noon. Maaaring may mga bagay na nag-trigger upang managinip ka lang ng ganito. Hindi rin direktang matutukoy dito kung ikaw ay mananalo kung saan o yayaman, subalit kung magiging masinop, masipag at matiyaga sa trabaho, maaaring balang araw ay maging mayaman ka rin.

Ang ahas sa panaginip ay maaaring nagsasaad ng mga nakatagong fears at worries na labis na nagbibigay sa iyo ng alalahanin. Maaari rin na ito ay isang paalala sa ilang bagay sa estadong ikaw ay gising na hindi mo pa alam o hindi pa sumusulpot, subalit may malaking kaugnayan sa iyong buhay. Alternatively, ang ahas ay posible rin na isang sagisag ng temptation, at ng dangerous and forbidden sexuality. Dahil ikaw ay takot na takot sa ahas, maaaring nangangahulugan ito ng takot sa sex, intimacy o commitment. Ang ahas ay maaari rin namang sagisag ng isa o ilang tao sa paligid mo na hindi dapat pagkatiwalaan. Bilang positibong simbolo naman, ang ahas ay nagre-represent ng healing, transformation, knowledge at wisdom. Pati na rin ng self-renewal at positive change. Sa kabilang banda, ang balat ng ahas ay may kaugnayan sa protection from illnesses.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …