Monday , January 6 2025

Amazing: Pennsylvania man sinibak sa sobrang pag-utot

NASA ‘mabahong’ sitwasyon si Richard Clem. Ang kanyang misis ay naghain ng asunto nitong nakaraang buwan sa kanilang dating employer bunsod nang pagsibak sa kanyang mister dahil sa sobrang pag-utot.

Ang 70-anyos lolo at kanyang misis na si Louann, ay kapwa nagtrabaho sa Case Pork Roll Company sa Trenton, New Jersey. Si Richard ay sinibak noong Pebrero, 2014 dahil sa sinasabing kanyang pag-utot, ayon sa court documents.

Sinabi ni Louann sa korte na ang pagsibak sa kanyang mister ay paglabag sa Americans with Disabilities Act.

Sinuportahan ni Richard ang nasabing asunto at nagsagawa rin ng legal action sa pamamagitan ng Equal Employment Opportunity Commission.

“When the suit was filed, I din’t know it would go viral,” pahayag ni Richard The Huffington Post. “I was very surprised.”

Si Richard ay nagsimulang magtrabaho sa Case Pork Roll noong 2004 bilang comptroller at naniniwala siyang nagampanan niya nang maayos ang kanyang trabaho.

“I brought them into the 21st century,” pagmamalaki niya.

Noong panahong siya ay matanggap sa trabaho, siya ay tumitimbang ng 420 pounds, ngunit sumailalim sa gastric bypass surgery noong Oktubre 2010, upang maalis ang kanyang ‘porky belly.”

Nabawasan ang kanyang timbang ng 120 pounds at muling nadagdagan ng 10. Ngunit siya ay dumanas nang nakahihiyang side effects, kabilang ang “extreme gas and uncontrollable diarrhea”

Noong 2013, tumindi ang mga sintomas na nararamdaman ni Richard, na nakaapekto sa kanyang trabaho, ayon sa asunto.

Habang sinabi ni Louann, nagsimulang magtrabaho sa Case Pork Roll noong 2008, paulit-ulit na nagreklamo ang company president na si Thomas Dolan kaugnay sa problema ng kanyang mister.

Sinabi pa sa asunto, iniutos ni Dolan kay Richard na magtrabaho na lamang sa kanilang bahay, at sinabing “We cannot run an office and have visitors with the odor in the office,” at idinagdag na “Tell Rich we are having complaints from people who have problems with the odors.”

Si Richard ay sinibak sa Case Pork Roll noong Pebrero y 28, 2014, bunsod nito, nagbitiw na rin sa trabaho si Louann “because of the harassment and discrimination her husband faced as a result of his disability and the resulting symptoms,” ayon sa NJ1015.com.

Samantala, inihayag ng abogado ng mag-asawang Clem, na si David Koller, naging headline sang gastrointestinal disorders ng kanyang kliyente, ngunit hindi ang key part ng kaso.

“Flatulence and farting is the sexy part of the story, but my client suffers from obesity, which is covered by the Americans with Disabilities Act,” pahayag ni Koller sa The Huffington Post.

Si Louann ay humihingi ng danyos sa Case Pork Roll kabilang ang “pain and suffering, compensatory damages and punitive damages.”

Nais din ni Richard na sumailalim ang mga empleyado ng kompanya sa training programs upang hindi na mangyari ang insidente.

“I’m speaking up for people who are overweight,” aniya. “Does being obese mean you can’t do a good job? Of course not!”

(THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

ArenaPlus Austin Reeves FEAT

ArenaPlus brings Austin Reaves Fan a Once in a Lifetime Experience

ArenaPlus “Meet Austin Reaves in Los Angeles” official campaign poster. ArenaPlus, the country’s 24/7 digital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *