I know it’s good to be friends with your ex. Kaya lang nasasaktan ako sa ginagawa ng bf ko. Hindi naman ako tumutol nang maging magkaibigan sila ng ex niya dahil alam kong may pinagsamahan naman sila pero sa nangyayari ngayon naiirita ako. Nariyang kinakansel ng bf ko ang date namin upang makipagkita lang siya sa ex niya. It’s really getting on my nerves! January
Sa iyo January,
Ako man ang nasa sitwayon mo e, kukulo rin ang dugo ko dahil hindi na tamang ikansel niya ang date n’yo para lamang sa pinaplano nila ng ex niya. Okey lang ang maging magkaibigan sila pero dapat ikaw pa rin ang priority niya. Huwag kang mag-pretend na okey ka lang. Tell him na ‘di mo gusto ang ginagawa n’ya or better yet bigyan mo ng ultimatum para magising.
Posibleng nabubuhay pa sa what if and but’s ang bf mo. Hindi naman patas ang ganu’n para sa’yo. Kaya kung kaya mo, bigyan mo muna siya ng space para makapag-isip upang hindi na siya muling habulin ng multo ng nakaraan nila. ‘Yun naman ay kung ma-realize niyang ikaw talaga ang mahal niya. Mas mainam nang i-try mo ‘di ba kaysa maging dekorasyon ka para sa kanila. Ang pagkansela ng date n’yo para lang mapagbigyan ang ex niya is not a good sign!