Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Panaginip mo, Interpret ko: Maraming buntis

00 PanaginipGud day po senyor H,

Nais ko po lamag itanong ang aking n paginipan k gano..2 Beses n po ako nka panaginip ng buntis ung una asawa ng friend ko buntis pangalawa si PAuleen Luna n kita ko sa panginip ko buntis sya.anu po kya ang ibigsbhin nun? (09333497342)

To 09333497342,

Ang bungang tulog ukol sa buntis ay may kaugnayan sa aspeto sa iyong sarili o ilang aspeto ng iyong personal na buhay na lumalago o nade-develop. Maaari rin na ito ay nagsasabi ng ukol sa birth of a new idea, direction, project, o goal. Alternatively, kung ikaw naman talaga ay naghahangad na mabuntis, ito ay maituturing na simbolo ng takot sa bagong responsibilidad. Sakaling ikaw naman ay talagang buntis at napanaginipan ito, nagpapakita ito ng iyong agam-agam ukol sa pagbubuntis mo. Kung hindi ka naman talaga buntis at walang intensiyong magpabuntis, maaaring ang panaginip mong ito ay dahil lang sa ilang mga bagay na nagsilbing trigger para managinip ng ganito.

Kapag nanaginip ng ukol sa mga artista, ito ay nagre-represent ng paghahanap ng nais na kaligayahan at libangan o pleasure. Ang iyong paghanga sa ilang partikular na celebrity o mga artista ay maaaring magbunsod ng pagkakakuha ng ilan sa kanilang mga physical o personality traits. Dapat ding tignan o ikonsidera ang mga artistang ito, lalo na ang mga characteristics nila na maaaring ma-associate mo sa iyong sariling personalidad. Posible kasing ang mga characteristics na ito ay katulad ng mga bagay na dapat mong kilalanin o i-incorporate sa iyong sarili. Maaaring may kaugnayan din sa iyo ang mga papel o role na ginagampanan ng mga artistang nakita mo sa iyong panaginip. Kahit hindi mo kilala talaga ng personal ang mga sikat na artistang nakita sa panaginip mo, ang mga papel nilang ginagampanan na napapanood mo o ang pananaw at pagtingin mo sa kanilang pagkatao ay maaaring magbigay sa iyo ng clue o pang-unawa sa koneksiyon sa iyo ng bungang-tulog mo. Sa kabilang banda, maaaring bunga lang ng napanood mo sa TV o pelikula ng mga artistang ito kaya mo sila napanaginipan. Kung ganito nga ang kaso, wala talagang significant na kahulugan sa iyo ang mga artistang ito at incidental lang ang pagkakapasok nila sa iyong bungang-tulog.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

AHOF SM MoA NYE Kapuso countdown to 2026

AHOF leads SM Mall of Asia’s epic NYE Kapuso countdown to 2026

SM Mall of Asia delivers one of the country’s most anticipated year-end spectacles as it …

Purple Hearts Foundation Love Kryzl

Purple Hearts Foundation naghatid- saya sa Year-End Gift-Giving Outreach sa mga karatig-barangay

MATAGUMPAY na naisagawa ng Purple Hearts Foundation sa Kryzl Farmland ang Purple Hearts Foundation Gives Back, year-end outreach …

SM LRTA

SM, LRTA ink MOA for SM City Masinag-LRT-2 Antipolo Station Interconnection Access Bridge

  Light Railway Transit Authority and SM Prime Holdings seals the deal of a Memorandum …

SM MMDA

SM Supermalls and MMDA Launch Smart Mobility and Traffic Information Sharing Project at SM Megamall

SM Supermalls Senior Assistant Vice President, Regional Operations Head, Christian V. Mathay and MMDA Chairman …