Sunday , December 22 2024

Magdalo pabor sa Poe-Trillanes

1005 FRONTIDINEKLARA noong Sabado ng Samahang Magdalo ang kanilang suporta sa kandidatura nina Senador Grace Poe sa pagka-presidente at Senador Antonio Trillanes IV sa pagkabise-presidente sa darating na 2016 eleksiyon.

“Mahigit walong taon nang magsimulang manilbihan si Senador Trillanes bilang senador, siya ay marami nang naisakatuparan sa pamamagitan ng kanyang mga batas na naipanukala at mga development project na naipatupad. Naniniwala ang grupo na siya ay mas may sapat nang kakayahan para makapagsilbi at makatulong sa mas marami pa nating mga kababayan sa pamamagitan ng mas mataas na katungkulan,” ayon kay Magdalo Representative Gary Alejano sa taunang convention ng Magdalo.

Dagdag ni Alejano, “Nagsagawa rin kami ng malawakang konsultasyon sa aming mga chapter leaders nitong mga nakaraang buwan, at si Senador Grace Poe ang kanilang napiling kandidato para sa 2016 presidential elections. Siya ay simbolo ng pag-asa at pagbabago, at naniniwala kami na may kakayahan siyang isakatuparan ang mga hangarin at prinsipyo ng grupo. Siya at si Senador Trillanes ay magkakaroon ng magandang tambalan sa pagsusulong ng pagbabago at pag-unlad sa ating bansa, dahil na rin sa pagkakatulad ng kanilang mga adbokasiya at plataporma.

Sa nasabing Convention, na nagsilbi ring pormal na deklarasyon ni Trillanes sa pagtakbo bilang bise presidente, sinabi ng Senador na higit sa sariling desisyon, ang kaniyang kandidatura ay pangkalahatang desisyon ng grupo.

“Ito ay isang magandang pagkakataon para maipresenta muli ang reform agenda ng Magdalo, at iangat ang tatak ng serbisyo sa mas mataas na antas,” ani Trillanes.

Naroon din sa nasabing okasyon si Brian Poe Llamanzares, anak ni Sen. Grace Poe, na nagsilbing kinatawan ng mambabatas, at tumanggap sa suportang ibinibigay ng Magdalo, sa ngalan ng kaniyang ina.

Ipinaabot naman ni Poe, sa isang video, ang pasasalamat sa suporta ng grupo at sa kanilang ‘di masusukat na pagsisilbi sa bayan. Siya ay nakikiisa sa patuloy na laban ng grupo kontra korupsiyon at sa pagsusulong sa kapakanan ng mas nakararami.

Ang Magdalo ay nagsimula bilang isang grupo ng mga sundalong nagsusulong ng reporma, na naglunsad ng Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Siege laban sa rehimeng Arroyo dahil sa laganap na korupsiyon sa gobyerno at AFP. Ngayon, ang grupo ay isa nang socio-political movement na mayroong mahigit 500,000  miyembro. Sila ay nagsusulong ng reporma sa gobyerno at lipunan sa pamamagitan ng kanilang kakayahan bilang mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *