Col. Elmer Jamias ‘pakendeng-kendeng’ lang daw sabi ng pulis cum gambling lord na si Jigs!
Rex Cayanong
October 3, 2015
Opinion
TINATAWAN lang umano ng pulis cum gambling operator na si JIGS SERBILYON si COL. Elmer Jamias na kilala sa taguring BARAKO.
Si Col. Jamias ngayon ang district director ng Eastern Police District (EPD) na nakatarima ang VIDEO KARERA machines (VK) ng tarantadong pulis.
Hindi umano Barako para sa kanya si Col. Jamais ayon kay JIGS.
Maihahalintulad lamang umano ang EPD Director sa di mapaitlog na inahing manok.
Puro umano dada at praise releases sa media si Col. Jamias pero tumatanggap din ng intelihensiya.
‘Wag niya akong daanin sa pa-make-up-make up at paglalagay ng ‘foundation’ nakangisi umanong tinuran ni JIGS habang nilalait nang husto ang mabunying hepe ng EPD.
“Kilala ko siya (Jamias) kahit pa noong nasa Manila Police pa siya,” dagdag na pagyayabang ni JIGS.
“Siya ang pulis na kumekendeng,” dagdag ng pulis cum VK king.
Masasakit na patutsada ang mga binibitawang salita ng pulis na si JIGS SERBILYON laban sa kanyang opisyal na si Col. Jamias.
Para bang kilalang-kilala ni JIGS si Jamias kung laitin niya.
Kung ako sa ating kaibigang si Boss Elmer, ipapatapon ko sa Mindanao ang tarantadong si SERBILYON upang doon na lamang maglatag ng kanyang video karera network.
Binababoy ni Serbilyon ang AOR ni Col. Jamais.
Bukod kay JIGS SERBILYON, naririyan pa rin sa Pasig na hurisdiksiyon ni Col. Jamias ang VK at lotteng operation ng makakapal ang mukhang sina CRIS, ROSE at LAARNI.
Lumalabas tuloy na kayan-kayanan ng gambling operators ang legendary police officer na si Col. Jamias.
Nagagasgas tuloy ang malinis na pangalan ni Col. Jamias.
Kung tutuusin, barya-barya lamang ang inaambon sa pulisya ng grupo nina SERBILYON, CRIS, ROSE at LAARNI ngunit ang ginansiya sa EPD ay liglig at umaapaw.
Kalusin mo na nga Col. Jamias sir!
Si JIGS SERBILYON naman ang pakendengen mo!
Kumekendeng ka raw sir Col. Jamias sabi ni JIGS!
May kasunod…
Abngan!
Makinig sa DWAD 1098 khz am “TARGET ON AIR USTREAM TV” Monday to Friday 2:00 – 3:00 pm. Mag email sa [email protected]