Lagi po aq ngbbsa ng c0lumn nyo..skatunyan po ang sis at friend q po lagi dn ngttn0ng ab0ut s dream po nila..ask q lng po ung dream q kunh anu po ibig svhn..my nakita po kc aq n bbae my hinihila po xa n mhabang bgay, tas po ng sumun0d po n tingin q s kanya parang ta0 naman po ung hilahila nya..bgla po aq ntak0t..tas nagicing po aq kc narinig q ung pinsan q n tnatawag ang name q pero s pnaginip lng dn po pala..sna po masag0t nyo po..tnx po, m0re p0wer..d0nt publish po my n0..tnx
To Anonymous,Ang babae sa panaginip ay nagre-represent ng nurturance, passivity, caring nature, at love. Ito ay may kaugnayan sa female aspects o kaya naman, ng ukol sa iyong ina. Alternatively, maaaring nagsasabi rin ito ng ukol sa temptation and guilt. Kung matanda na ang babae, maaaring nagsasaad ito ng pangamba hinggil sa pagtanda. Posible rin namang ito ay isang archetypal figure na sumisimbolo sa wisdom, insight, guidance and/or feminine power.
Kapag nakaramdam ka ng fear o takot, nagsasaad ito na ang iyong achievements ay posibleng hindi maging tulad ng iyong inaasam. Ikaw ay nakararanas ng anxieties o agam-agam sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay. Ang susi upang malagpasan at mapagtagumpayan ang takot na nadarama ay ang pag-usapan ito at harapin ito. Kung sa panaginip naman ay nakikita mo na paparating o nangyayari na ang iyong worse fear, ito ay may kaugnayan sa pagsalungat mo sa mga pagbabago. Nagsasabi rin ito na takot kang harapin ang unknown aspects ng iyong sarili.
Kapag naman narinig mo na ang iyong pangalan ay tinatawag sa bungang-tulog, nagpapakita ito na ikaw ay in touch at in tune sa iyong spirituality. Kailangan kang mas maging aware sa iyong sariling uniqueness and your individuality. Alternatively, ang subconscious mo ay maaaring kinukuha ang iyong atensiyon hinggil sa mahahalagang mensahe na hindi mo kinikilala sa estadong ikaw ay gising.
Señor H.