Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gloc-9, apat na araw magpaparinig ng magagandang musika

092715 Gloc 9
HAVEY ang selebrasyon ni Gloc-9 sa showbiz dahil apat na araw ang concert niya sa Music Museum. Ito’y sa October 10, 17, 24, at 31 entitled Ang Kuwento ni Makata.

Marami na ang nag-aabang sa cocert ni  Gloc-9  dahil ito lang ang masasabing  solo concert niya talaga.

Marami na siyang mga hit song gaya ng Sirena, Upuan, Lando,  Magdalena, at Wala ng Natira kaya dapat  lang naman na mapanood siya sa isang konsiyerto.

Natawa kami sa tsikahan kay Gloc-9 dahil tinanong siya kung may experience na siya sa ‘Sirena’ sa 18 years niya sa showbiz?

“Iba po ‘yung landas na natahak ko, eh. Hindi po ako nalangoy sa dagat,” tugon niya kaya nagtawanan.

Gusto ba niya maka-experience?

“Marami pong salamat sa offer,” sey niya kaya nagtawanan ulit.

Anyway, sa bago niyang self-produced single na Payag, na kasabay ng unang araw ng 18 taong anibersaryo niya ngayong September inilabas, tila napapanahon din ito sa kalagayan ng bansa,  na papalapit na ang 2016 election at maaari itong maging salamin ng bawat Pinoy sa kung ano ang pinaniniwalaan at gustong paniwalaan.

“Sa 18 years ko po sa larangan na ito, halos mahigit kalahati po niyon ang puhunan ko para matandaan ng tao ang aking pangalan. Ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan at suporta na ipinakita ng mga tao sa akin. Excited po at kabado rin sa series of shows na gagawin namin ngayong October pero at the same time, ito rin po ay aking pasasalamat para sa lahat ng tao na sumusuporta sa amin,” aniya.

Sa kabila ng tagumpay na tinatamasa ni Gloc-9, ni minsan ay hindi raw niya inisip na siya ay sikat na. At posibleng ‘yun ang formula sa tanong kung bakit siya naging matagumpay.

”Dasal po at ang palaging pagsabi sa aking sarili na ako ay mananatiling fan ng musika,” saad niya.

Sasamahan si Gloc-9 sa kanyang solo concert ng mga kaibigan niya sa industriya. Sa Oct. 10, special guest sinaAiza Seguerra, Bamboo, Jay Durias, Jennylyn Mercado, Kylie Padilla and Marc Abaya; Oct. 17—Chito Miranda, Ebe Dancel, Janno Gibbs, Jonalyn Viray and Rico Blanco; Oct. 24—Ebe Dancel, Jolina Magdangal, Ogie Alcasid, Regine Velasquez-Alcasid and Yeng Constantino; Oct. 31—Ebe Dancel, Jay Durias, Julie Ann San Jose and Kz Tandingan.

Regular guest naman sina Maya, Migz Haleco,  Reese and Rochelle Pangilinan.

Mabibili ang tickets sa ticket world at 891.9999 and Music Museum at 721.0635/721.6726.

Sponsored by:Belo Medical Group, Be Belo Beautiful Today. Motortrade, Motorsiklo Sigurado, Alaga Ka Dito Guitar.

TALBOG – Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …