Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng Shui: Water feature dapat nasa kaliwa

00 fengshuiANO mang water feature sa harap ng bahay ay dapat naroroon sa kaliwa ng main door kung ikaw ay nasa loob at nakaharap sa labas. Ito ay pagtiyak sa katatagan ng pagsasama ng isang mag-asawang naninirahan doon. Ang tubig sa kanan ay magdudulot ng paggala ng paningin ni mister.

BAKO-BAKO, ‘DI PATAG NA LUPA GOOD FENG SHUI

Nagtuturo ang Feng Shui ng matalinong paggamit sa kapaligiran. Kung ang lupa sa inyong paligid ay hindi patag at bako-bako, may naninirahan ditong maswerteng mga dragon. Kung ang lupa ay patag at featureless, walang naninirahang dragon at ang lugar ay hindi masuwerte.

Gentle slopes mas masuwerte kaysa craggy slopes

ANG marahang pagkurba ng lupa ay higit na masuwerte kaysa magaspang at maburol. Kung ang elevation ng lupa ay marahan, masagana ang pagpasok ng chi; marahan ang pagkilos nito, dumadami, nananatili at naghahatid ng malaking swerte.

MIDLEVELS HIGIT NA SUPERIOR

Hindi paborable ang paninirahan sa pinakatuktok ng burol o bundok. Kapag nasa tuktok ka ng burol o bundok, madali kang tatamaan nang malalakas na hangin; sa mababang bahagi ng burol ay marahan lamang ang pag-ihip ng hangin, at ikaw ay matatabingan mula sa elemento.

TUBIG NAGHAHATID NG PERA

Kung ang tubig ay maharang dumadaloy patungo sa inyong bahay, madali kang aasenso. Tatangayin ng deretsong ilog at mabilis na daloy ang tubig mula sa iyo at walang iiwang suwerte sa inyong bahay.

Waterfalls, nagdudulot ng milyong dolyar na oportunidad

Kung nakatatataw ka nang magandang talon (waterfall), magdudulot ito ng tubig sa inyong bahay, kaya ikaw ay yayaman.

Maraming naging milyonaryo sa Far East nang maglagay sila ng artificial waterfall sa kanilang garden. Ngunit tandaang hindi ito dapat abusuhin. Mahalaga ang pagiging balanse, malulunod ka sa maraming tubig.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …