Friday , November 15 2024

Erap, Makabayan bloc alyado sa eleksiyon 2016? (Pinatalsik noong 2001)

MAY alyansa bang namamagitan sa tinaguriang Makabayan Bloc at sa pinatalsik nilang pangulo na convicted sa kasong plunder noong 2001 para sa tiyak na panalo ng kandidatong senador sa 2016?!

Sa katanungang ito, tumanggi si Satur Ocampo na mayroong alyansa ang Makabayan Bloc kay Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada.

Aniya, “Wala kaming formal alliance kay Erap. Inimbita siya para magsalita dahil host mayor ng Maynila, at pinayagan kaming gamiting venue ang San Andres covered court nang libre. Pero malaking bagay ang kanyang pagindorso kay Neri para senador.”

Kahapon, dumalo si Estrada sa 3rd National Convention ng Makabayan Bloc sa San Andres Complex sa Malate, Maynila.

Dito ini-endorso niya ang kandidatura ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares para sa 2016 elections bilang senador.

Sa kanyang Facebook account, inilagay ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño ang mga larawan na magkakatabi sila sa upuan nina Colmenares, dating Bayan Muna representative Ocampo, Anakpawis Partylist Rep. Rafael Mariano at Erap.

Itinanong ng Hataw kung nangangahulugan ba ito na may alyansa ang Makabayan bloc kay Erap ay hindi ito sinagot ni Casiño.

“Siya ang mayor ng Manila so he welcomed us to the city,” tugon niya hinggil sa presensiya ni Erap sa okasyon.

Tikom ang bibig ni Casiño nang uriratin ng Hataw kung may alyansa ang kanilang grupo kay Erap para sa halalan sa susunod na taon.

Dumating rin sa pagtitipon ng Makabayan bloc sina senators Grace Poe at Chiz Escudero at technically, sila ay ini-endorso ng grupo.

Matatandaan na sa isang esklusibong panayam ng Hataw kay Ocampo, sinabi niyang may tsansang magkaroon ng tactical alliance ang makakaliwang grupo at si Erap sa 2016 presidential elections.

Mangyayari lang aniya ang nasabing senaryo kapag tinupad ni Erap ang pangakong susuportahan ang presidential bid ni Poe na aayudahan din ng makakaliwang grupo sa 2016.

“Kung saka-sakali, tactical lang ito pero hindi long term dahil ang tactical target ng aming grupo ay makapagpanalo ng presidential candidate. Ngunit sakaling hindi tutupad si Poe sa mga pangakong pag-ayuda sa mga programa ng aming grupo, tatanggalin namin ang suporta sa kanya,” ani Ocampo.

About Rose Novenario

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *