Wednesday , April 9 2025

Aresto sa Reyes bros welcome sa Palasyo

IKINAGALAK ng Palasyo ang pagkadakip ng Interpol-Manila kamakalawa ng gabi sa magkapatid na sina Joel at Mario Reyes sa Phuket, Thailand, na wanted sa kasong pagpatay  kay environmentalist-broadcaster Gerry Ortega.

Nagpasalamat ang Malacañang sa pamahalaan ng Thailand sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad ng Filipinas para madakip ang Reyes brothers.

“We thank the cooperation and assistance of the Thailand government in the arrest of the Reyes brothers,” ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda.

Ang pagdakip sa magkapatid na pugante ay patunay aniya sa determinasyon ng administrasyong Aquino na makamtan ang hustisya sa pagpaslang kay Ortega.

“The President has said that government will go after the fugitives and the recent arrest of Gov Reyes and his brother prove the resolve of the government,” ani Lacierda.

Si Joel ay dating gobernador ng Palawan habang si Mario ay dating alkalde ng Coron.

Ang magkapatid ay may patong sa ulo na P2 milyon bawat isa.

About Rose Novenario

Check Also

Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa …

SLP Swim League Philippines Patriots League of Champions III

Mula Grassroots Hanggang Champions: SLP Patriots, Umangat sa League of Champions III

Walang inuurungan ang Swim League Philippines (SLP) Patriots sa pangunguna ni Coach Zaldy Lara, matapos …

Grand rally FPJ Panday Bayanihan, dinagsa ng Bicol supporter

FPJ Panday Bayanihan Partylist, dinagsa sa Bicol

LIBO-LIBONG Bicolano ang dumagsa sa kalsada upang tunghayan ang motorcade campaign ng FPJ Panday Bayanihan …

TRABAHO Partylist umiigting pa ang kampanya

TRABAHO umiigting pa ang kampanya

MAS PINAIGTING ng TRABAHO Partylist, numero 106 sa balota, ang kanilang kampanya nitong Sabado mula …

Victor Lim FFCCCII

Industrialist Victor Lim elected as new president of FFCCCII

MANILA, PHILIPPINES – The Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *