Wednesday , November 20 2024

Panaginip mo, Interpret ko: Naglalakad sa ilog at lumipad

00 PanaginipTo Señor H,

Nannginip ako, naglalakad ako sa ilog then nagtaka naman ako bgla nakalipad naman ako, may mensahe ba ang ganitong klase ng pngnip? Plz dnt print my cp, call me Johnny, thnks

To Johnny,

Kung ikaw ay naglalakad ng maayos sa iyong panaginip, ito ay nagsasaad na ikaw ay mabagal na naglalakbay sa buhay subalit steady naman ang pagsulong tungo sa iyong mithiin o mga pangarap. Ito rin ay nagpapakita na ikaw ay sumusulong sa iyong buhay sa pamamaraang naroon ang iyong kompiyansa, subalit dapat ding maging mapagmatyag at ikonsidera ang iyong landas na tinatahak at patutunguhan. Kung nahihirapan ka naman sa paglalakad, nagpapahayag ito ng pag-aalinlangan sa pag-usad hinggil sa ilang sitwasyon bunsod ng mga balakid at sagwil na kakaharapin o kasalukuyang hinaharap na sa iyong buhay.

Ang ilog sa panaginip ay nagpapakita na hinahayaan mo ang iyong sariling buhay na magpalutang-lutang lang o kaya naman, sadyang nagpapatangay ka na lang sa agos ng buhay. Panahon na para ikaw mismo ay magkaroon ng kontrol at direktang pagpapasya sa iyong kapalaran at buhay. Alternatively, ito ay sumasagisag din sa joyful pleasures, peace at prosperity. Kung rumaragasa naman ang nakitang ilog sa iyong panaginip, ito ay may kaugnayan sa turmoil, tumultuous times, at jealousy sa iyong buhay. Kung sa panaginip naman ay naliligo ka sa ilog, ito ay nagre-represent ng purification at cleansing.

Ang paglipad mo sa iyong panaginip ay may kaugnayan sa sense of freedom na noong una ay inaakala mong wala kang kalayaaan o kaya naman ay limitado lamang ito. Dapat pahalagahan at ingatan ang mga magagandang kapalaran na dumarating sa iyo, upang hindi makalagpas sa iyo ang grasya at huwag masayang ang oportunidad na abot kamay mo na. Ipagpatuloy ang pagsisikap at pagtitiyaga, upang ang inaasam mong tagumpay ay makamit at magkaroon ng katuparan. Ang ganitong panaginip ay nagpapakita rin na ikaw ay umiiwas sa sitwasyon na sa palagay mo ay hindi mo magagawa o wala kang mapapala.

Kadalasan din na ito ay isang uri ng metaphor na nagsasaad ng iyong insecurity. Posibleng nagsasaad din ito ng pag-iwas mo sa ilang isyu, tulad ng hindi mo pagtanggap sa anumang responsibilidad sa mga bagay na nagawa mo noon.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *