KUNG batid mo ang eksaktong uri ng chi na iyong kailangan upang mapabuti ang iyong kalusugan, maaari mong muling likhain ang chi sa bahagi ng iyong bahay na kung saan mo ginugugol ang halos lahat ng sandali ng iyong panahon.
Halimbawa, kung kailangan mo ng more upward chi, maaari kang maupo sa silangang bahagi ng iyong bahay nang nakaharap sa silangan.
Mas magiging malakas ang epekto kung ikaw ay napaliligiran ng matataas na mga halaman, dahil ito’y nagpapataas ng upward direction ng pagdaloy ng chi.
Sa pangkalahatan, mas magiging madali para sa iyo ang pagmantina ng magandang kalusugan kung ang bahay ay:
* Naiilawan ng natural light, kabilang ang sikat ng araw
* Yari sa natural na mga material
* Mayroong iba’t ibang klase ng halaman sa loob
* Furnished ng mga bagay na yari sa natural fabrics and materials.
* Malayang napapasok ng hangin araw-araw
* Nasa lugar na malinis ang hangin
* Napaliligiran ng natural vegetation at mga puno.
Mahihirapan kang mapanatili ang magandang kalusugan kung ang bahay ay:
* Malapit sa high-voltage electrical power lines.
* Malapit sa high-voltage electric railway line
* Nakatayo sa toxic waste ground
* Gumagamit ng fluorescent lighting
* May synthetic carpets, fabrics o bedding
* Palaging basa, malamig at may mildew
* Madilim (a basement o north-facing home)
* Malapit sa busy, high-volume road
* Marumi o maalikabok
ni Lady Choi