Monday , December 23 2024

Dynasty ng smugglers, ‘unli’ smuggling sa BoC

00 Kalampag percyHINDI lamang pala sa politika, kundi pati sa larangan ng smuggling ay nauso na rin ang dynasty.

Ito ang masaklap na katotohanan, sa kabila ng magkakahiwalay na kampanyang inilunsad ng ilang nagdaang pamahalaan kontra smuggling sa loob ng ilang dekadang nakalipas.

Ang mga smuggler ay wala nang ipinagkaiba sa mga politiko na kapwa nakapagtatag ng kanilang dynasty.

Dumating na tayo sa yugto na imposible nang sawatahin ang matagal nang problema sa smuggling na lumulumpo sa ekonomiya ng bansa?

Tuwiran man at hindi, may ilang malimit nababanggit at iniuugnay ang pangalan kapag issue sa smuggling ang paksang pinag-uusapan.

Parang celebrity ang pangalan nina Manny Santos, Tina Yu at Tebes Bros., na paboritong imbitahan kapag may imbestigasyon ang Senado at Kamara tungkol sa smuggling at economic sabotage.

Manny Santos untouchable

NOONG nakaraang taon, bida sa telebisyon na napanood ng publiko si Manny Santos dahil kasama siya sa mga ipinatawag sa imbestigasyon ng Senado kaugnay ng rice smuggling sa komite na pinamunuan ni Sen. Cynthia Villar.

Matagal nang bukambibig ang pangalan ni Manny Santos, isa sa tatlong magkakapatid ng tinaguriang Jade Bros. sa Customs.

Sa naturang imbestigasyon, lumabas na si Manny Santos ay publisher-financier ng isang nagsaradong pahayagan o tabloid na ang layunin lang pala ay tirahin ang mga opisyal ng pamahalaan, partikular sa Customs, na sagwil sa kanyang negosyo sa Aduana.

Ang ipinagtataka ng marami, kung bakit parang hindi interesado ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na busisiin kung saan nagmula ang kanyang yaman, gayong si Santos ay kilala rin sa mundo ng horse racing o sugal na karera ng kabayo. 

Sana man lamang ay nalaman ng publiko kung si Manny Santos na patron ng isang grupo sa “media” at ang Manny Santos na nagmamay-ari ng mga kabayong pangarera ay iisa.

Ano na nga ba ang resulta o nangyari sa isinagawang imbestigasyon ng komite ni Sen. Cynthia Villar sa Senado?  

Plastic Resin Smuggling

NOONG buwan ng Mayo 2015, si Tina Yu ang puntirya ng privilege speech ni Leyte Representative at Deputy Speaker Sergio Apostol sa Kamara.

Ang imbestigasyon ng House Committee on Ways and Means ay nagsasangkot kay Tina Yu sa malawakang smuggling ng plastic resin sa bansa.

Unang napabantog si Tina Yu sa panahon ng administrasyon ni dating Pang. Gloria Macapagal Arroyo bilang broker sa smuggling ng magkapatid na Vicky at Tom Toh sa Customs.

Iniuugnay kay Tina Yu ang isang Jerry Yu na namamayagpag ang pangalan ngayon sa Customs.

Si Jerry Yu ang humalili sa trono ni Tina Yu habang iniimbestigahan ng Kamara.

Kasama ang isang Laude Gonzales, ibinulgar ni Apostol ang mga kompanyang umano’y ginagamit ng pangkat ni Tina Yu sa smuggling ng plastic resin sa bansa.

Tinukoy sa imbestigasyon ang mga kompanyang gamit ni Tina Yu sa smuggling – ang Sally Star Trading, Zimmerworx Trading, Dynamycoms Trading, Wave Secure Trading, Tribal Moon Trading, Contigo Enterprises and Genels Trading Corp.

Balita natin, isang dating mambabatas na kamag-anak ni Pang. Noynoy Aquino ang ipinagyayabang na padrino umano ni Tina Yu sa kanyang mga kuwestiyonableng negosyo sa Customs.

Ipinagmamalaki ng tinaguriang “Reyna ng Plastic Resin” na siya ang gumagasta sa pagpapagamot ng dating mambabatas na may malubhang karamdaman.

Ipinangangalandakan din umano ni Tina Yu na personal pa niyang sinasamahan sa ibang bansa para ipagamot ang presidential relative.

Tebes Bros. na smugglers

MAGTATATLONG dekada na sa smuggling ang nabansagang TEBES BROS. sa Customs.

Nagsimula bilang mga empleyado sa kompanya ng kilabot na smuggler na si David Tan, a.k.a. “David Taba. (Sa susunod na natin susulatin ang tungkol sa huli.)

Matapos makilala bilang mahusay na angkan sa pagpapalusot ng mga kontrabando sa Pier, unti-unting nasulot ng damuhong mag-aama ang mga importer at financier ni David Taba sa smuggling.

Dito na nagsimula ang kanilang smuggling empire na hangga ngayon ay umaariba sa kanilang kawalanghiyaan.

Subaybayan!!!

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *