Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy Pride yayanigin ang Amerika

Hanging Boxing Gloves
NASA Los Angeles, California, USA ang Pagara brothers na sina Jason at Prince Albert kasama si Mark “Magnifico” Magsayo para pataasin pa ang antas ng kanilang ensayo bilang preparasyon sa kani-kanilang laban sa Oktubre 17 sa StubHub Center sa Carson, California.

Ang US debut ng tatlong boksingero ay babanderahan ng ALA Promotions.

Diretso ang tatlo kasama ang kanilang head trainer na si Edito “Ala” Villamor sa Wild Card Gym ni Freddie Roach. Nakaalalay sa tatlo ang pinagpipitaganang “strength and conditioning coach” na si Nick Curson.

Nakatakda namang sumama sa kanilang training si WBO light flyweight champion Donnie “Ahas” Nietes sa kalagitnaan ng Setyembre.

Si Jason (36-2, 22 KOs) ay kasalukuyang nakaranggo bilang No. 2 sa WBO, kampeon naman ang wala pang talong si Prince Albert (24-0, 17 KOs) ng IBF, samantalang wala pa ring bahid talo ang karta ni Magsayo (11-0, 9 KOs) na kampeon naman ng IBF Youth featherweight.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …