ANG chi ng kanluran ay may ugnayan sa pagsikat ng araw at panahon ng anihan. Ito ay sa panahong tumatanggap ka ng pabuya sa iyong natapos na trabaho sa loob ng isang araw o taon, kaya ang chi na ito ay ideyal sa pagdadala ng mga bagay na mapagkakakitaan.
Isa sa mga paraan upang mapabuti ang iyong abilidad na mag-focus at ilagay ang enerhiya sa pagpapabuti ng iyong pananalpi ay ang pagpaparami ng chi sa west part ng iyong bahay.
Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng paglalagay ng ilang coins o barya o bank notes sa telang pula sa kanluran. Ang metal na kung saan yari ang barya, kasama na ang kulay pula, ay magdaragdag ng maraming metal energy sa metal chi direction na ito.
Ang barya at bank notes ay magsisilbi ring simbolikong paalala sa partikular na aspetong ito ng buhay.