Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stephen Curry, fan ni Pacman

090715 pacman steph curry

Hindi naitago ni 2015 NBA MVP Stephen Curry ang kanyang pagiging fan ni Manny Pacquiao kasabay ng kanyang pagbisita sa Filipinas.

Bukod sa boxing, hinangaan din niya si Pacman sa pananampalataya sa Diyos na aniya’y hindi lamang nagbigay ng inspirasyon sa kapwa Filipino kundi maging sa mga taga San Francisco.

Tinawag pa ni Curry si Pacquiao na may “true heart of champion” at isang “family man”.

At dahil nagbabasketbol din daw si Pacman ay handa niyang turuan kung paano mag-jump shot ngunit dapat din daw na turuan siya ni Manny sa boxing.

Nasa bansa si Curry para sa promosyon ng kanyang iniindorsong sporting brand at pagkatapos nito ay agad na tutungo sa China.

Isa ang Filipinas na pinili ni Curry na puntahan makaraan ang Tokyo, Japan, at susunod ang China.

Ang pagdating sa bansa ni Curry ay kasunod nang pagbisita rin sa Filipinas ng NBA star na si LeBron James, Ricky Rubio at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …