Friday , May 3 2024

Pagkakaisa ng mga Filipino at pagbawi sa Sabah, Ipinanawagan

090715 Kingdom Lupah Sug Borneo sabah

00 Alam mo na NonieIPINANAWAGAN ng grupong nagpakilalang King and Queen of Royal Imperial Kingdom ng Lupah Sug at North Borneo ang pagkakaisa ng bawat Filipino at ang pagbawi ng Pilipinas sa Sabah.

Ito ang ipinahayag ng mag-asawang umanoy tunay na nagmamay-ari sa isla ng Sabah, sina His Excellency, The Sultan of Sulu and North Borneo, King Mohammad Ghamar Mamay Hasan Abdurajak at Her Excellency, The Honorable Judge Queen of Sulu, North Borneo and the Philippine Islands, Maria Makiling Helen Fatima Nazaria Panolino Abdurajak.

Sa kanilang pagharap sa ilang member ng press, sinabi nilang dapat nang mabalik sa Pilipinas ang Sabah mula sa Malaysia. Dapat daw ay naganap ito noon pang September 2013. Ayon pa sa kanila, dapat na magkaisa ang mga Filipino para sa kaunlaran at sa adhikaing ito dahil pinakamayaman daw ang ating bansa.

Dito’y ipinakita rin nila ang perlas na tinatawag na Pearl of the Orient na tumitimbang ng 10.2 kilos.Sabi pa ni Queen Helen, nakatakda na ang pagsusuri nito ng mga kilalang gemologist mula sa ibang bansa sa layunin na pormal itong maisama sa Guinness sa karangalang pinakamalaking perlas sa buong mundo.

Ang nakakagulat ay ang sumunod na sinabi ng nagpakilalang “Queen of Sulu and North Borneo” na si Queen Helen na marami pang mga ganitong klase ng mamahaling perlas sa kanilang pag-iingat.

Kasama rin ng grupong ito si Maria Aurosa Busoy Marcos na nagpapakila namang isa sa mga anak ng dating Presidente Ferdinand Marcos.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *