Saturday , November 23 2024

Amazing: Boxing painter patok sa art world

090715 Boxing painter

ANG ilang artist ay ‘sumisipa’ ang career sa kanilang pag-pipinta ngunit si Bart van Polanen Petel ay sumusuntok.

Si Petel, dating estudyante ng boksingerong si Joe Frasier, ay may sariling boxing gym sa Tilburg, Netherlands, na ginawa niyang art studio.

Nagsisimula siya sa pagbalot ng canvas sa punching bag. At pagkaraan ay isasawsaw ang boxing gloves sa pintura at susuntukin ito hanggang sa matamo niya ang isa na namang ‘knockout piece of art.’

Ang hilig ni Petel sa painting ay nagsimula limang taon na ang nakararaan nang makilala niya ang kanyang artist girlfriend na si Nonie Buijze.

“Of course, wanting to understand the passion of the woman that turned my world upside down, we looked at modern art and talked about it,” pahayag ni Petel sa Huffington Post.

“Before that time, when I looked at a typical Mondriaan painting, the familiar thought ‘anybody can do this’ came to mind.”

Hanggang sa magdesisyon si Petel na magpinta sa pamamagitan ng pagsuntok sa canvas. “Love made me look ‘behind’ an abstract painting. Made me see what I did not see before,” aniya.

“If people see one of my works, maybe it can do to the same for them, show them the world ‘behind’ the bloody image of boxing.”

Walang konseptong iniisip si Petel sa pagsisimula niya ng pagpipinta. Basta na lamang niyang nirarapido ng suntok ang katawan ng punching bag. “Once I start thinking about what I am seeing in front of me and what for instance would make the painting look better, I have to stop,” aniya. “It has to be natural, a product of the ‘Flow.’”

Sa kasalukuyan, ang obra ni Petel ay nabebenta sa halagang $1,500 bawat isa. At kasama na si Petel sa Ripley’s Believe It Or Not!, sa kanilang bagong aklat na “Eye-Popping Oddities.” (THE HUFFINGTON POST)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *