BILIB kami sa prinsipyo ni Regine Velasquez na isakripisyo na mapasama sa Sunday Pinasaya dahil sa pakikisama sa mga kaibigan at kasamahan sa Sunday All Stars na nawalan ng trabaho.
Bagamat tinabla niya sina Ai Ai Delas Alas at Marian Rivera at nanghihinayang siya na hindi makasama ang mga ito sa isang project, nahihiya rin siya sa mga kaibigan at kasamahan sa SAS na walang show dahil napamahal na rin sa kanya.
Kung sabagay, nabigyan naman siya ng bagong show dahil isa siya sa judge sa Starstruck 6 na magsisimula sa September 7. Bukod dito, mas gusto rin ni Regine na magkaroon ng maraming oras sa asawa niyang si Ogie Alcasid at anak na si Nate.
Sey nga niya nahihirapan siya na gumawa ng serious drama dahil happy siya sa buhay. Mas bet niya ang comedy-drama.
TALBOG – Roldan Castro