APEKTADO na rin ng “Aldub Fever” ang Palasyo.
Napag-alaman, tinapos nang maaga ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda ang regular press briefing kahapon dahil nagsisimula na ang “AlDub Kalyeserye” segment sa noontime show na Eat Bulaga sa GMA-7.
Tumagal lamang ng 30 minuto ang regular media briefing ni Laceirda na sinimulan bandang 1 p.m. upang makahabol na mapanood ang “Aldub.”
“It’s Aldub time na,” sabi nang nakatawang si Lacierda nang tapusin ang regular media briefing sa New Executive Building ng Malacañang.
Ilang tanong lamang mula sa media ang direktang sinagot ni Lacierda partikular ang tungkol kay Vice-President Jejomar Binay at ang ukol sa kautusan ni Pangulong Benigno Aquino III sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) na pangunahan ang paglutas sa trapiko sa EDSA.