Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Feng shui paano umuubra?

00 fengshuiUMUUBRA ang feng shui sa basehang ika’y may emotional energy field na tumatakbo sa paligid ng iyong katawan. Ang enerhiya ay maaaring makita sa iyong paligid bilang iyong “aura,” dumadaloy ito sa loob ng iyong katawan sa pamamagitan ng activity centres na tinatawag na “chackras,” at lumalabas sa landas na tinatawag namang “meridians.” Ang banayad na charge ng electromagnetic energy na ito ay dinadala ang iyong iniisip, ideya at emosyon sa bawa’t cell ng iyong katawan.

Ito ay mayroong two-way process, kaya ang paraang ginagamit mo ang iyong katawan ay nakaiimpluwensya rin sa iyong isip at puso, habang dumadaloy pabalik ang altered energy. Ang proseso ng charging and colouring sa bawa’t cell ay nakaugnay sa iyong physical and emotional beings.

Idagdag pa rito, ang iyong surface energy ay humahalo sa atmosphere sa iyong paligid, bilang resulta, nagkakaroon ng banayad na pagbabago sa paraan ng iyong pag-iisip at pakiramdam. Sa loob ng mahabang panahon, ang paghahalong ito ng external energies ay maaari ring makaapekto sa iyong pisikal na katawan. Ang external influences sa iyong katawan ay marami at iba’t iba at kabilang dito ang: landscapes, cities, ang mga taong kasama mong namumuhay, bahay at workplaces, ang weather, ang solar energy ng araw, ang buwan (moon) at posisyon ng mga planeta.

Ang iyong emotional energy ay pirmihang nag-i-interact sa energy sa inyong bahay, bilang resulta, ilan sa iyong mga pakiramdam ay nagre-reflect sa lugar na kung saan ka nakatira. Hindi lamang ito, ang iyong enerhiya ay lumalabas patungo sa kwarto na kung saan mo pinapalipas ang oras, at pinupuno ang atmosphere ng ilan sa iyong mga emosyon.

Bilang pagbubuod: ang iyong iniisip, pakiramdam at mga ideya ay pirmihang humahalo sa mundong iyong ginagalawan, at ikaw ay palaging naiimpluwensiyahan ng iba’t ibang enerhiyang pumapasok sa iyong sariling energy field. Kasabay nito, ikaw ay naglalabas ng enerhiya na kumakalat sa espasyong iyong inuukupahan.

Ang bawa’t living entity ay napaliligiran ng energy field na maaaring makita sa pamamagitan ng paggamit ng Kirlian photography.

ni Lady Choi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …