ALLENTOWN, Pa. (AP) — Inihayag ng mga awtoridad na namatay nitong nakaraang linggo bunsod ng mga pinsala sa katawan ang isang lalaki makaraang mabundol ng sasakyan sa eastern Pennsylvania noong 1965.
Sinabi ng Lehigh County coroner’s office, ang 58-anyos na si Richard Albright ay idineklarang patay na nitong Lunes ng gabi (Agosto 24) sa Good Shepherd Home-Raker Center sa Allentown.
Sinabi ng mga opisyal, kabilang si Albright sa dalawang totoy na nasugatan sa July 1965 accident sa Allentown. Ang isa pang totoy ay nagkaroon ng bahagyang pinsala lamang.
Ayon sa (Allentown) Morning Call, sa nasabing insidente, si Albright ay nagkaroon ng pinsala sa ulo at nabali ang dalawang hita. Siya ay iniulat na nasa kritikal na kondisyon makaraan ang aksidente ngunit inihayag na “holding his own.”
Sinabi ni First Deputy Coroner Eric Minnich si Albright ay naging paralisado at ang mga pinsala ay kailangan ng ‘lifetime treatment.’