Mayor Alfredo Lim, tunay na kampeon sa free health care
Percy Lapid
August 31, 2015
Opinion
INAPROBAHAN kamakailan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa third at final reading ang House Bill 5999 o “Free Basic Medicine Assistance Act” upang matiyak na ang basic o libreng batayang mga gamot ay laging maipagkakaloob sa mga nangangailangang marallita.
Sa panahon ng administrasyon ni Mayor Alfredo Lim ay tinamasa ng mga Manileño ang free health care, libre ang ospital at pati ang basic medicine sa anim na public hospital na pagmamay-ari ng local na pamahallaan ng Maynila.
Para kay Mayor Lim, hindi na kailangan ang isang national law para makapagkaloob ng libreng serbisyong pangkalusugan, isama lang ito sa policy lang ng isang leader ay puwede nang matamasa ng mamamayan.
Mismong si PNoy ay pinuri ang free health services ng administrasyong Lim nang iendorso niya ang kandidatura nito sa pagka-alkalde noong 2013 elections.
Ang nakalulungkot, mula nang mawala si Mayor Lim sa Manila City Hall, may bayad na ang pagpapagamot ng mga Manileño sa mga nasabing ospital.
Ngayon ay napagtanto nila na tama pala si PNoy nang sabihin na “Don’t fix if it ain’t broken. Bakit mo aayusin kung ayos? Bakit mo papalitan kung magaling?”
Nasa huli man daw ang pagsisi, may tsansa pang ituwid ng mga Manileño ang pagkakamali noong 2013 elections.
Kaya naman kahit saan magpunta ngayon si Lim ay iisa ang sinasabi at panawagan sa kanya, “Bumalik ka na sa Manila City Hall”.
Pay hike sa gov’t workers sa 2016, bakit ngayon lang?
MAKATATANGGAP na raw ng dagdag na P3,000 kada buwan ang bawat empleyado ng gobyerno na umaabot sa 1.3 milyon sa buong bansa sa susunod na taon.
Ito ay kung aaprobahan ng Kongreso ang P50.6 bilyong budget na kasama sa panukalang pondo para sa taong 2016 na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM).
Wala pa raw kasing tiyak na mapagkukunan ng pay hike budget kaya tama ang suhestiyon ng DePEd National employees Union na puwedeng magmula ito sa counter-insurgency budget dahil hindi na kailangan ang pondo para labanan ng gobyerno ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) bunsod nang peace agreement na nilagdaan sa rebeldeng grupo.
Bagama’t nakakatuwa, kung magkakatotoo, ay marami ang nagdududa sa tiyempo ng pay hike lalo na’t election year ang 2016.
Pogi points kaya ito ng administrasyong Aquino para iboto ng state workers at ng kanilang mga pamilya si LP standard bearer Mar Roxas?
Ito kaya ang panabla ng adminsitrasyong Aquino sa panawagan ng OFWs na huwag iboto si Roxas dulot ng isyu nang pagbubukas ng balikbayan boxes?
‘Wag naman maliitin ang OFWs!
Nasaan si “Ma’am Arlene?
ILANG oras na press conference ang inaksayang oras ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pagdiriwang ng kanyang ikatlong taong anibersaryo bilang Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Maraming tanong ang sinagot ni Sereno sa idinaos na presscon pero marami ang nakahalata na tila umiwas siya sa isyu ni Arlene Lerma Angeles o mas kilala bilang “Ma’am Arlene”, ang tinaguriang kilabot na judiciary fixer at influence peddler na kanyang pinaimbestigahan noong 2013.
Ang sagot lang niya tungkol dito, apat na administratibong kaso ang naisampa ng komite ni Associate Justice Marvic Leonen laban sa mga judges na nasangkot sa manipulasyon ng halalan ng Phil. Judges Association (PJA).
Pero walang banggit si Sereno kung inirekomenda rin ba ng komite ni Leonen na kasuhan ng Department of Justice (DOJ) si Ma’am Arlene na nanuhol sa apat na judges.
Lumalabas tuloy, para kay Sereno, na ang sinuhulan lang ang dapat kasuhan pero absuwelto ang nanuhol.
Magugulat pa ba tayo kung sa panahon ng liderato ni Sereno ay hindi nakabatay sa batas ang ilan nilang desisyon?
Si Sen. Juan Ponce-Enrile na may kasong plunder sa non-bailable offense ay nakapagpiyansa.
Si Ilocos Sur Gov. Ronald Singson na convicted sa kasong illegal drugs ay pinayagang kumandidato kahit disqualified sa batas.
Pinayagan din ng SC ang kandidatura ni Erap na isang convicted plunderer.
Hindi lang rule of law ang gumuho sa ating bansa kundi pati ang moral values.
Iyan ba ang ipinagmamalaking reporma ni Sereno sa hudikatura?
Santisima!!!
Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]