Friday , November 22 2024

Mga manok ni PNoy ang bubuweltahan ng OFWs sa 2016

00 Kalampag percyMATAPOS ulanin ng katakut-takot na banat ang kanyang administrasyon, napilitan si Pangulong Noynoy Aquino na ipatigil muna ang panukalang random check sa balikbayan boxes na tinangkang ipatupad ni Commissioner Alberto “Bert” Lina sa Bureau of Customs (BoC).

Halatang nayanig si PNoy at ang mga kasamahan sa Liberal Party sa nakabibinging sigaw mula sa mga OFW at ng publiko kaya nagbago ang kanyang isip, taliwas sa una niyang paninidigan na sumusuporta pa sa maitim na plano ni Lina.

Sino man ang nasa sapatos ni PNoy ay natitiyak natin na mayayanig sa bantang ikakampanya ng mga kababayan nating OFW at kanilang pamilya na huwag iboto ang mga eendorso niyang kandidato sa susunod na eleksiyon.

Sabi nga, “Hampas sa kalabaw, sa kabayo ang latay.”

Ang tanong, magbago naman kaya ang isip ng mga OFW kung sino ang kanilang iboboto sa 2016?

MANHID, WALANG SENTIDO KUMON

TILA namamanhid yata ang buong katawan ni Lina at tuluyan nang nawalan ng pakiramdam.

Ipinagpipilitan pa rin ni Lina na mag-exercise ng kanyang authority, kesyo nasa batas daw ang random check sa balikbayan boxes na gusto niyang ipatupad para buwisan ang mga OFW.

Kailangan pa bang letra por letra ay harapang sabihin sa mukha ni Lina na ang mga OFW ay hindi smuggler at wala silang kinalaman sa rampant at hindi nasasawatang smuggling sa Customs.

Kung may nagpapalusot pala sa pamamagitan ng balikbayan boxes, si Lina ang mga kasama na niya sa Customs ang may problema para hulihin kung sino man ang mga may kagagawan at walang karapatan ang sinoman na idamay at parusahan pati ang mga walang kinalaman sa smuggling.

Nagkakamali ng akala si Lina sa pag-exercise o paggamit niya ng kapangyarihan na magpatupad ng polisiya na umano ay base sa batas.

Sabi nga sa Saligang Batas, “Sovereignty resides in the people and all government authority emanates from them.”

Kailangan ang political will sa mga namumuno sa gobyerno para maipatupad ang batas kung para sa ikabubuti, hindi sa ikasasama.

ATTENTION: COMMISSIONER LINA

TUNGHAYAN po ang isang bukas na liham na ipinaskil sa aming Facebook page mula kay Gng. Beth Shimomiyaji, isang kababayan nating nakapag-asawa ng Hapones at doon na naninirahan sa Ibaraki Ken, Japan, na nais niyang iparating sa Bureau of Customs:

AN OPEN LETTER TO THE BUREAU OF CUSTOM

We, the Overseas Filipino Workers(OFW) would like to express our despise anger & disappointment due to the recent issues regarding our BALIKBAYAN BOXES.

Perhaps your bureau may not understand our situation as an OFW, working to provide for our LOVE ones. Try to put yourself in our situation. We spent most of our time working w/out complaining (‘Di po kami nagtatae ng pera). Sometimes working double jobs, minsan working several hours w/out sleep or rest.

Some of us even have to endure EMOTIONAL STRESS, DEPRESSION & HOME SICKNESS while wrking abroad.

Some of us work in extreme condtions. Some may also encounter Pananakit & Sigaw from their employers. But even so we still work hard for our MAHAL SA BUHAY (Kazouku).

With that thought in mind, our Balikbayan boxes are the result of all the BLOOD, SWEAT & TEARS.

Some consider us as the BAGONG BAYANI ng henerasyon. But we only consider ourselves the “BREADWINNER” of our families. Opening our boxes is an invasion of our privacy. And that is exactly illegal, doing this will not help the economy but instead, will only give your bureau a negative impact.

Thus, I am reaching out to our government to asses this delicate problem & establish a better system that will protect the RIGHTS of both parties involve.”

 

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

KALAMPAG – Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *